Pagsilip sa likod ng itim na trenchcoat ni Trese: Isang pag-aaral kay Alexandra Trese bilang makabagong babaylan

Date of Publication

2014

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Linguistics

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Dolores R. Taylan

Defense Panel Chair

Lilibeth O. Quiore

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan

Abstract/Summary

Sinuri ng tesis na ito ang isa sa pinakasikat na Filipino komiks sa kasalukuyang panahon, ang Trese na isinulat ni Budjette Tan at dinibuho ni Kajo Baldisimo - na ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng pangalang Alexandra Trese o pinaikling tawag na Trese (na siya ring pamagat ng mga komiks na sinuri).

Ninais suriin ng mananaliksik kung naging tama ba ang paggamit at pagsasalarawan sa konsepto ng babaylan na inilagay nina Tan at Baldisimo sa kanilang komiks. Ayon kasi sa kwento ng komiks na Trese, si Trese, ang pangunahing tauhan ay isang makabagong babaylan. Inalam ng mananaliksik kung paano nasabi ng manunulat ng komiks na Trese na si Trese ay isang ngang makabagong babaylan. Tinuklas din ng mananaliksik kung ano ba ang isang makabagong babaylan at ang kanyang mga katangian kung pagbabatayan ang komiks na Trese.

Piniling gamitin ng mananaliksik ang teorya ni Roland Barthes na Semiotics upang suriin ang limang libro (graphic novels) ng komiks na Trese na Murder on Balete Dive, Unreported Murders, Mass Murders, Last Seen on Midnight, at Midnight Tribunal.

Unang sinuri ng mananaliksik ang mga dibuho. Sinuri ang itsura/anyo ni Trese, ang paraan ng pagkakadibuho at ang tagpuan ng kwento. Ikalawa, sinuri ng mananaliksik ang mga tekstong nakapaloob sa komiks. Pinag-aralan ng mananaliksik kung anong mga salita at pahayag sa komiks ang tumutukoy sa pagiging babaylan ni Trese. Ikatlo, sinuri ang buong kwento sa loob ng limang libro ng komiks na trese. Inalam kung ano nga ba ang sinasabi ng kwento tungkol sa pagiging makabagong babaylan ni Alexandra Trese.

Upang mas maunawaan at lumalim pa ang pagsusuri, sinikap ng mananaliksik na makapanayam ang mismong manunulat ng komiks na Trese, si Budjette Tan. At hindi naman siya nabigo.

Mula sa mga nakalap na datos at sa masusing pagsusuring isinagawa ng mananaliksik, nakagawa siya ng tala ng mga sumusunod: mga katangian ng makabagong babaylan batay sa komiks na Trese paghahambing sa Kombensyonal at makabagong babaylan at ang listahan ng mga patunay na si Alexandra Trese ay isa ngang makabagong babaylan sa kontemporaryong panahon.

Ipinapakita ni Trese na ang pagliligtas sa mundo ay hindi lamang gawain ng malalakas na lalaking tauhan sa komiks kundi pati na rin ng mga babae. Binasag ng Trese ang mito ng isang patriyarkal na lipunan na matagal na ipinakilala sa mga Pilipino ng mga Kastila. Sa pagkakaroon ng isang malakas na tauhan na babae, ibinalik nito ang nakalimutang kultura ng lipunan noon kung saan ang babaylan ang pinakamakapangyarihan sa lipunan nila. Ipinagrebelde tayo ng komiks na Trese sa maling nakasanayan sa lipunan mali upang maitama ito sa pananaw ni Trese.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21438

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

154 leaves ; illustrations ; 28 cm.

Keywords

Trese; Alexandra (Fictitious character); Women priests; Comic books; strips; etc

This document is currently not available here.

Share

COinS