Kalurkei: Ang konsepto ng katatawanan sa tambalan ng Balahura at Balasubas
Date of Publication
2014
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Speech and Rhetorical Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Ramilito B. Correa
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Marvin R. Reyes
Abstract/Summary
Sa kabila ng mga dinaranas na problema ng mga Pilipino, nanatiling positibo pa rin ang pagtingin sa buhay kaya naman idinadaan na lamang sa pagtawa. Sa paraan na ito, nakakalimutan kahit sa sandaling oras ang mga bigat na dinadala sa buhay. Mayroon kanya-kanyang paraan ang mga Pilipino upang tumawa na nagpapagaan ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Sa programa ng Tambalan ng Balahura at Balasubas na programang pang-umaga na nagdudulot ng kaligayahan sa mga tagapakinig sa paraan ng kanilang kombersasyon na tila parte sila ng pag-uusap. Mayroon pagkakataon ang mga tagapakinig upang magbahagi upang maging talakayan. Pinapatakbo ito nina DJ Nicole Hyala at Chris Tsuper na nagbibigay komedya sa karakter na nailalabas at naibabahagi sa programa.
Kakaunti pa lamang ang nag-aaral tungkol sa radyo at katatawanan para sa mga Pilipino kung kaya naman makakatulong na magkaroon ng karagdagang pag-aaral na tumatalakay sa parte ng kultura ng mga Pilipino sa komedya. Ginamit ang libro ng programa na Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper at transkripsyon ng mga dayalogo sa pakikinig ng mananaliksik sa programa. Pinagsama ang dalawang teksto na sinuri ayon sa conversation analysis ni Hutchby at kategorya ni Espino.
Nakategorya ang mga klase ng mga jokes o mga patawa na sa kasalukuyang panahon ang mga ginagamit upang matawa ang mga tagapakinig. Nagbabago ang mga klase na nakakatawa sa mga Pilipino sa paglipas ng panahon.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21437
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
394 leaves ; 28 cm.
Keywords
Radio programs--Philippines; Radio comedies-- Philippines; Comedians--Philippines
Recommended Citation
Laro, A. (2014). Kalurkei: Ang konsepto ng katatawanan sa tambalan ng Balahura at Balasubas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2747