Kontra-artista sa cyberspace: Ang pagsusuri sa mga mensahe ng mga online basher sa mga piling artista
Date of Publication
2015
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Raquel E. Buban-Sison
Defense Panel Member
Alona Ardales
Abstract/Summary
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya tulad ng Internet, malaki ang naging pagbabago sa buhay ng mga tao. Naging mas madali ang pagpapadala ng mga mensahe at impormasyon. Sa isang pindot, maaaring mapadala sa mga tao saan man sa mundo ang mga mensahe sa real time . Dahil dito, tunay na lumiit ang mundo.
Ngunit hindi lamang positibo ang naidulot ng Internet. Kakambal nito ang mga negatibong aspekto katulad ng cyberbullying at anonymity. Ang mga ito ay direktang resulta ng katangian ng Internet. Dahil sa pamamagitan ng computer, maaaring maitago ang identidad ng mga gumagamit ng Internet. Bukod sa mga ito, isa pang isyu na nakakabit sa Internet at cyberspace ay ang isyu ng online bashing. Sa pag-aaral na ito, ilalatag sa mga mambabasa at mag-aaral ang konsepto ng online bashing.
Ang online bashing ay ang paggamit sa Internet para makapaghayag ng mga masasakit at mapanglait na kumento laban sa isang particular na tao o grupo ng mga tao. Madalas na biktima ng online bashing ay ang mga pampublikong personalidad katulad ng mga artista at mga pulitiko. Sa pag-aaral na ito, ang pokus ay ang mga online basher ng mga espesikong artista na sine Vice Ganda at Kris Aquino. Napili ng mananaliksik ang mga ito sapagkat sila ang pinakamaningning na bituin sa panahon ngayon lalo na sa usapin ng pag-endorso at lakas ng impluwensiya sa midya. Bukod diyan, maroon din silang mga kinasangkutan na isyu kung saan naging mainit na usap-usapan ng lipunang Pilipino.
Sa pag-aaral na ito, hinimay at sinuri ang mga salita at tema na ginamit ng mga online basher sa kanilang pangbabash. Gamit ang Discourse Analysis, inalam ng mananaliksik ang mga tema at salita na ginamit para makapagbash. Hinanap ang mga pattern sa likod ng mga kumentong hinayag ng mga online basher. Para kay Vice Ganda, ang mga dahilan kung bakit siya binabash ay ang kanyang paraan ng pagbibiro, pisikal na anyo, kayabangan, at ang kanyang sekswalidad. Samantala, si Kris Aquino naman ay binabash dahil sa kanyang pagbulgar ng kanyang pribadong buhay at ang kanyang hindi paggawa ng reponsibilidad bilang isang ina.
Bukod sa mga kumento, inalam din ng mananaliksik ang naging papel ng social media sa online bashing. Sinuri niya ang Twitter at Facebook para makahanap ng datos ng impormasyon para masagot ang suliranin na ito. Batay sa mga nakuhang impormasyon, nagagamit ang social media para makapagstatus, makapagkwento, at para makagawa ng mga hate page.
Malaki at malawak ang espasyo ng cyberworld. Maraming mga sulok sa cyberworld ang hindi pa nagagalugad. Kasama ang paksa ng online bashing sa mga sulok na hindi pa masusuri at napag-aaralan. Minabuti ng mananaliksik na palalimin at pagyamanin pa ang pag-aaral tungkol dito. Ang tesis na ito ay sumasagot sa pangangailangan para mapagyaman ang paksa ng online bashing para sa akademikong dayalogo.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21434
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
139 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Cyberspace; Social media
Recommended Citation
Lardizabal, G. B. (2015). Kontra-artista sa cyberspace: Ang pagsusuri sa mga mensahe ng mga online basher sa mga piling artista. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2744