Sa isip, sa salita at sa gawa: Isang pag-aaral sa popsters bilang imagined community
Date of Publication
2014
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Interpersonal and Small Group Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
John Enrico C. Torralba
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay patungkol sa pag-alam kung maaari bang maituring na isang komunidad ang isang fan club. Para bigyan ng pokus ang pag-aaral, ginamit at sinuri ang grupong Popsters. Tinignan sa pag-aaral kung ang isang grupo tulad ng Popsters na walang teritoryal na aspeto at regular na pisikal na interaksyon sa pagitan ng mga miyembro nito ay maaaring maging isang komunidad.
Inalam ang mga ito sa pamamagitan ng pag-alam sa tatlong elementong bumubuo sa grupo. Una, tinunton ang kasaysayan ng grupo simula ng ito ay nabuo hanggang sa kasalukuyan. Kasabay nito, inalam din ang mga pagbabago sa intrukturang pinagdaanan ng Popsters. Ikalawa, tinukoy ang mga pagkakakilanlan ng grupo. Ang mga ito ay ang nagbibigay identidad sa Popsters at sa mga indibidwal na kabilang dito. Tinukoy ang paraan ng pagsali dito, ang kultura at ideyal na nabuo sa loob ng pangkat at ang proseso ng sosyalisasyon sa pagitan ng mga miyembro nito. Panghuli, tinukoy ang mga paraan kung paano kinikilala ng Popsters ang mas malaking lipunan na kanilang kinabibilangan. Sa bahaging ito, inalam ang mga paraan kung paano tumutulong sa lipunan ang nasabibg grupo.
Para sa pag-aaral, ginamit ang teorya ni Benedict Anderson ukol sa mga imagined communities. Ang ideyang ito ang nagpapaliwanag na bagamat walang pisikal na interaksyon sa pagitan ng mga miyembro, maaari pa ring makabuo ng isang komunidad ang ilang lupon ng mga tao. Ito ay sa pamamagitan ng pagbubuo ng nasabing komunidad sa kanilang isipan. Nabubuo ang esensya ay pakiramdam ng pagiging isa sa puso at pag-iisip ng mga miyembro ng isang imagined community.
Sa pagsusuri sa mga nakalap na datos, masasabing maaaring maituring na isang komunidad ang Popsters. Malaking bahagi ng pagsasakomunidad nila ang organisasyon at kaayusang nabuo nila sa mahabang kasaysayan ng grupo. Nakapagbibigay naman ngdamdaming nakapag-iisa sa mga miyembro ng Popsters ang kultura at ideyolohiyang nabuo sa loob ng grupo. Ang paniwalang si Sarah ay sila at sila ay si Sarah. Dagdag parito, nakita na epektibong nakapagbigay ng damdaming iisa ang nag proseso ng sosyalisasyon ng grupo. Ang mga ito ang nagbigay ng identidad sa grupo at sa mga miyembro nito at nagpapaiba sa kanila sa mga hindi kabilang sa Popsters. Nakita rin na sa pagtulong ng Popters sa lipunang Pilipino, kinikilala nila ang limitasyon ng kanilang grupo. Kinikilala nila ang pagkakaroon ng iba pang komunidad na labas sa kanila. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng mga aksyong panlipunang kanilang nagagawa,nagkakaroon sila ng mas malaking pagkilos maliban sa pagsuporta nila sa kanilang idolo. Sa kabila nito, hindi pa rin ito nawawala sa kanilang mga aksyon sapagkat ito ang esensya ng kanilang komunidad.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21419
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
v, 110 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Fans (Persons)--Philippines; Television viewers-- Philippines; Groupies--Philippines; Communities-- Philippines
Recommended Citation
Bernardino, C. (2014). Sa isip, sa salita at sa gawa: Isang pag-aaral sa popsters bilang imagined community. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2725