Estilo ng pamumuna ng mga Pilipino batay sa blog ni Professional Heckler Kay PNoy
Date of Publication
2013
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication Technology and New Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Lilibeth O. Quiore
Defense Panel Chair
Maria Lucille G. Roxas
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay ang pag-usbong ng internet na isang makabagong paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao Pumapaloob sa internet ang blog na isang malayang espasyo na ginagamit upang makapaglahad ng anomang paksang naisin at isa na rito ang pamumuna na kadalasang ginagagawa ng mga Pilipino, malay man o di-malay.
Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Estilo ng Pamumuna ng mga Pilipino Batay sa Blog ni Professional Heckler Kay PNoy. Tutuklasin ang estilo ng pamumuna ng mga Pilipino sa pamamagitan ng blog ni Professional Heckler na may layuning magbiro at maipakita ang mga isyung may pakialam siya.
Susuriin ang kanyang mga blog post na patungkol lamang kay Pnoy kung saan sa unang bahagi, ilalahad kung ano-anong aspekto sa buhay ni PNoy ang mga pinupuna ni Professional Heckler. Nilalayon nitong matukoy ang mga isyu na kanyang binibigyang-pansin o pinupuna upang maging batayan sa pagtuklas ng estilo ng pamumuna ni Heckler kay Pnoy. Tutuklasin ang pamumunang ginagawa ni professional Heckler kay Pnoy gamit ang konsepto ng Pahiwatig ni Melba Maggay upang malantad ang estilo ng pamumuna ng mga Pilipino batay sa blog ni Professional Heckler kay PNoy na gumagamit ng mga di-tuwirang palatandaan sa pakikipag-ugnayan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21417
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
95 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Criticism; Blogs
Recommended Citation
Bunchoo, T. (2013). Estilo ng pamumuna ng mga Pilipino batay sa blog ni Professional Heckler Kay PNoy. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2723