Humahataw! humahagupit! lumalatay sa komentaryong panghimpapawid!: Isang pagdadalumat sa panlipunang impluwensya ng programang Dos por dos sa mga taxi driver

Date of Publication

2015

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Mass Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Dexter B. Cayanes

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Raquel E. Buban-Sison

Abstract/Summary

Sinisipat ng pag-aaral ang panlipunang epekto ng radyo, isang mapanupil na midyum, sa mga taxi driver na kinikilala bilang mga aktibong indibidwal sa lipunan. Gamit ang teroya ng panlipunang impluwesya, siniyasat kung nagpapakita ng ilang aspekto ng conformity, obedience at compliance ang mga taxi driver sa programang Dos Por Dos. Nakikitang malaking salik ang radio, bilang tanging bukal ng informasyon ng mga taxi driver sa paghubog ng kanilang mga pansariling opinyon. Sa kabila nito, ipinagpalagay naman na bilang isang anyo ng mediated-quasi communicaton o huwad na komunikasyon kabilang ang nasabing programa, hindi masyadong nakapagbibigay ito ng impluwensya sa mga taxi driver.

Gamit ang masusing pakikinig sa nasabing programa ng mga mamamahayag na sina Anthony Taberna at Gerry Baha sa loob ng halos dalawang buwan, nakapili ng mga isyung tinalakay at ikinumpara sa mga pananaw ng mga taxi driver na kinapanayam. Mula dito, pumili lamang ng walong paksang tatalakayin upang mas mabigyang pansin ang panig ng bawat paksyon. Sa tulong naman ng pakikipanayam sa mga taxi driver, nadalumat kung mayroon ba talagang impluwensya sa kanilang mga personal na opinyon at disposisyon sa buhay, partikular na sa mga isyung panlipunan ang mga pahayag at komentaryo ng tambalang Baja at Taberna.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21415

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

169 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.

Keywords

Taxicab drivers; Radio programs; Radio broadcasting; Radio audiences; Mass media-- Influence

This document is currently not available here.

Share

COinS