Facebook bilang kasangkapang aktibista: Tugon ng mga Pinoy netizens sa Cybercrime Prevention Act of 2012

Date of Publication

2013

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

David Michael M. San Juan

Defense Panel Chair

Voltaire M. Villanueva

Defense Panel Member

Emma A. Basco

Abstract/Summary

Para sa ilang mga tao, ang pagkuha o pagkamit ng lalo pang kapangyarihan ang isa sa mga pinakamimithi nila kapag sila'y nakaranas nang magkaroon ng kaunting kapangyarihan o kapag sila'y naghihirap na sa kanilang buhay. Dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan, magagawa at nakukuha ng isang tao ang lahat ng mga gusto niya sa buhay upang siya'y mamuhay nang kumportable at sagana. Para sa mga taong nakakuha na ng minimithi nilang kapangyarihan, susubukin nilang patumbahin ang kahit anumang pwersang magpapatalsik sa kanila sa posisyong inuupuan nila, at ipwesto ang kanilang kapangyarihan sa lipunan.

kaugnay ng perspektiba ng kapangyarihan sa Pilipinas, ilan sa mga taong tinutukoy ng naunang talata ang mga opisyal ng gobyerno. Ito ay dahil sinubukang nilang palawakin ang kanilang pangingibabaw, hegemony o gahum sa Internet sa pamamagitan ng pagsasakatuparan nila ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Ilan sa gusto nilang kontrolin sa pamamagitan ng nasabing batas ang mga post ng mga iba't ibang netizen sa Internet (kung saan malayang tinatamasa ang karapatan sa malayang pamamahayag) tungkol sa mga kakulangan ng at ang ayaw nila sa kasalukuyang gobyerno.

Sa paglitaw ng balita ukol sa Cybercrime Prevention Act of 2012, nahanapan ng mga netizen ng ilang mga pagkukulang at paglabag sa karapatan ng mga tao katulad ng malayang pamamahayag, ang nasabing batas. Dahil dito, nagpahayag ng protesta ang mga netizen gamit ang Facebook laban sa Cybercrime Act. Sa pamamagitan nito, dumami ang mga netizen na nakakita ng mga protestang nakasaad sa Facebook ukol sa mga probisyong nakasaad sa naturang batas. Samu't saring reaksyon galing sa mga netizen sa pamamagitan ng mga post na nagproprotesta laban sa naturang batas ang mababasa sa internet. Nagawa rin ng ilang netizen na maimpluwensyahan ang mga mamamayan na lumahok sa mga protestang kontra-Cybercrime Act. Dahil sa mabilis na pagkilos ng mga netizen ukol sa pagbabagong hinahangad nila, pinakinggan sila kahit paano ng mga opisyal ng gobyerno. Sa ganitong diwa, susuriin ng tesis na ito ang piling reaksyon ng mga netizen sa Facebook hinggil sa Cybercrime Act of 2012 upang mailahad kung paano nagiging kasangkapang aktibista, at samakatwid ay pwersang kontragahum, ang Facebook.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21414

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

155 leaves ; illustrations ; 28 cm.

Keywords

Online social networks--Philippines; Social media; Computer crimes--Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS