Ang gahum ng bentahan: Pagdalumat sa istraktura ng gahum ng AGB Nielsen bilang midya riserts na kumpanya
Date of Publication
2010
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Mass Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa isang malawak na pananaliksik ukol sa kabuuan ng AGB Nielsen Media Research Company. Layunin nitong ungkatin ang dalumat ng gahum ng kumpanya bilang pangunahing sandigan ng reytings at bilang isang midya riserts na kumpanya sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng komprehensibong pagsusuri sa mga salik at perspektib ng kumpanya tulad ng paghahandog ng naratibong pilosopiya nito, hanggang sa pagsipat ng epekto ng kanilang angking kapangyarihan tungo sa mga istasyon, ahensiya ng advertaysing, at mga tagasubaybay, unti-unting mabibigyang hugis ang istraktura ng gahum ng kumpanya.
Naging malaki din ang ambag ng mga pangunahing metodong ginamit ng mananaliksik sa pag-usad ng pag-aaral. Gamit ang mga modang archival research, qualitative research, at content analysis, nabigyang katuparan na maitatag ang lahat ng mga objektibong resultang ninihingi. Mula dito, nakita ang iba't ibang mga indikeytor na nakapaghulma sa istraktura ng gahum ng AGB Nielsen.
Nakatulong din upang matukoy ang pagtuklas sa istraktura ng gahum ng kumpanya ang pagkakagamit ng teorya mula sa mga magkakaugnay na uri ng kapital ni Pierre Bourdieu ang economical, cultural, social, at symbolical. Sa pamamagitan ng apat na kapital na ito, naging mas ispesipiko at tumapak ang pagkakabuo sa istraktura. Maliban dito, maipapakita din kung alin sa mga kapital na ito ang naging dominante.
Sa pag-usad ng pag-aaral, natuklasan na ang uri ng kapital ni Bourdieu ay hindi magkakahalintulad sa pagsusuri sa AGB Nielsen. Ito ay dahil sa ang ekonomikal, sosyal, at kulyural ay may angking proseso at paggalaw upang makamit at maging makapangyarihan sa sarili. Subalit ang simbolikal na kapital naman ay masasabing walang angking proseso sapagkat hindi makakamit at magagamit ang simbolikong kapangyarihan kung walang ekonomikal, sosyal, at kultural na kapital na gagabay. Dahil dito, mas nabigyang katuturan ang pagkakagamit sa uri ng kapital upang matukoy ang hugis ng istraktura ng gahum ng kumpanya at matukoy na din ang tinatawag na Ang Gahum ng Bentahan .
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21408
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
190 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.
Keywords
Mass media--Research
Recommended Citation
Bragancia, R. (2010). Ang gahum ng bentahan: Pagdalumat sa istraktura ng gahum ng AGB Nielsen bilang midya riserts na kumpanya. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2714