Beeda ang pagsasamantala: Ang Jollibee bilang espasyo ng pagsasamantala

Date of Publication

2010

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Public Relations and Advertising

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Member

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Abstract/Summary

Ang teorya sa pag-aaral na ito ay ang Standardization ni Theodor Adorno, ngunit may isang bahagi lamang ng tesis ang pinaggamitan nito at iyon ang Kabanata 7. Naroon ang analisis tungkol sa liriko ng mga kanta at mga linyang ginagamit sa mga rap battle. beeda ang pagsasamantala: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagtalakay sa espasyong Jollibee fast food chain at kung papaano nakakaapekto ang mga nakapaloob dito sa mga manggagawa at mga konsyumer nito. Ang dalawang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung papaano nakakapagsamantala ang Jollibee sa mga manggagawa nito pati na rin sa mga kustomer nito. Dito ipinaliwanag ang konseptong pagsasamantala na nakalinya sa kaisipang pakikinabang para sa pansariling kapakanan o ikabubuti. Isinagawa ang pagsagot o pagtugon sa mga layuning ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga patakaran na sinusunod ng mga manggagawa ng Jollibee at pati rin ang mga batayan na nakakapag-akit sa mga konsyumer na tangkilikin ang mga produkto. Gumamit dito ng mga konseptong may kinalaman sa pagsasamantala para mapatunayan o bigyan ng suporta ang mga nakalap na sitwasyon na sinasabing nakakapagsamantala sa mga tao. Gumamit din ng konseptong espasyo at mito para maipakita ang paraan ng pag-aanalisa sa pagsasamantalang isinasagawa ng Joliibee. Ang lumabas sa pag-aaral na ito ay mayroong nakitang pagsasamantala sa espasyong Jollibee dahil sa mga nakitang karanasan at sitwasyon na iniangkop sa mga ilang salik o batayan na nakalap sa obserbasyon. Nakakpagsamantala ang Jollibee sa mga manggagawa, depende sa kung anong patakaran ang tatalakayin o iuugnay ngunit, dominante dito ang pang-aabuso sa lakas paggawa. Para naman sa mga konsyumer, dominante ang pagsasamantalang nakita sa pakikinabang sa pera at sa kalusugan ng mga konsyumer.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21406

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

119, [36] leaves ; 28 cm.

Keywords

Fast food restaurants--Philippines; Exploitation

This document is currently not available here.

Share

COinS