Ang repormista, tagapaglingkod, tagapagtaguyod at tagapagmana: Isang pag-aaral sa naratibo ng mga political tarpaulin sa Lungsod ng Quezon para sa taong 2009
Date of Publication
2010
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Political Science
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
John Enrico C. Torralba
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa problema na naglalayong tuklasin ang paraan kung papaano binebenta ng mga politiko ang kanilang sarili gamit ang political na tarpulin. Sa pagtuklas nito ay lumabas sa pagsusuri ang paggamit sa apat na naratibong makikita sa mga political tarpaulin sa lunsod Quezon. Ang mga ito ay ang naratibo ng repormista, tagapaglingkod, tagapagtaguyod at tagapagmana. Mula sa pagsusuri ng mga ito nakita na mayroong dalawang pangunahing katangian na makikita sa mga politiko: ang pagiging bukas palad sa paghahatid ng mga serbisyong publiko at ang pagkakaroon ng damdamin at diwang nakatuon sa reporma. Nalaman din mula sa pagsusuri na mahalaga para sa mga politiko na mai-ugnay ang kanilang sarili sa mga kinikilalang tao at institusyon sa lipunan. Ito ang dahilan ng madalas na pag-uugnay ng mga politiko sa kanilang sarili kina mayor Sonny Belmonte at Ninoy Aquino. Ito rin ang nakikitang dahilan sa madalas na paggawa ng mga ito ng proyekto at programang may kinalaman sa edukasyon, simbahan, kalikasan at iba pa. Panghuli, natuklasan din na sa paggawa ng tarpaulin ay maraming mga salik ang isinasaalang-alang sa paggawa. Ilan sa mga salik na ito ay ang tema, target audience, isyung panlipunan, at maski ang personal at political background ng politiko.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21403
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
134 leaves ; illustrations (some colored) ; 28 cm.
Keywords
Political campaigns--Philippines--Quezon City; Politicians--Philippines--Quezon City; Tarpaulins
Recommended Citation
Acio, G. (2010). Ang repormista, tagapaglingkod, tagapagtaguyod at tagapagmana: Isang pag-aaral sa naratibo ng mga political tarpaulin sa Lungsod ng Quezon para sa taong 2009. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2709