Ang binatang candy cutie: Pagdalumat sa imahen ng binata sa Candy Magazine
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Public Relations and Advertising
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Member
Genaro Gojo Cruz
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay ang pagbibigay talakay sa pagkadalumat ng imahen ng binata sa Candy Magazine.
Isinuri ang seksyon ng Candyman ng Candy Magazine sa paghuhugis ng imahen sa pisikal na katangian, at sa karakter, kaisipan, at kaugalian ng binata. Gamit ang biswal na pagsusuri, ipinaghambing ang mga katangian ng binata sa mga larawan ng Candyman at naipakita ang mga komonalidad na katangian sa loob nito. Sinuri rin ang mga nilalaman ng bawat artikulo sa isyung 2007 hanggang 2008 na umuukol sa kaugalian, kaisipan, at karakter ng binata gamit ang tekstwal na analisis. Sa pagsuri ng imahen at teksto ng Candyman, nakabuo ng dominanteng pisikal na katangian at pitong kategorya ng papel ng binata sa dalaga at realidad ng kanilang kaugalian.
Nakilala ang binata partikular sa imahen ng Candy Magazine. Nakita ang pagbigay halaga sa pagiging Candy Cutie- isang binata ipinapakita ang average masculine , ang kaakit-akit pa rin sa mga dalaga. Isang mahalagang pag-aaral ito sa pagdadagdag ng kakaibang imahen na inihahandog ng Candy Magazine sa pagkakaroon ng sariling kagwapuhan ng binata. Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa iba't ibang pagsuri ng pagdalumat ng imahen ng binata sa mas malalim na pag-unawa sa ginagampanan ng Candy sa pagimpluwensa nito sa mga mambabasa, at sa lipunan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21394
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
162 leaves ; 28 cm.
Keywords
Men; Masculinity; Men's magazines; Periodicals
Recommended Citation
De Leon, M. (2009). Ang binatang candy cutie: Pagdalumat sa imahen ng binata sa Candy Magazine. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2700