Jejemon: Pag-aaral sa mga salita ng taon ng sawikaan mula 2004-2007 at 2010

Date of Publication

2012

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Linguistics

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Marot Flores

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Lilibeth Oblena

Abstract/Summary

Sinimulan ang pag-aaral sa paghango ng mga salitang ginamit para sa pag-aaral mula sa limang na edisyon ng publikason na Sawikaan: Mga Salita ng Taon. Ang mga piling salita na ito ay mga nagwagi sa taong 2004, 2005, 2006, 2007, at 2010.

Upang malaman ang dahilan ng pagsikat ng mga salitang pumapaloob sa pag-aaral at ang paraan ng pagtanggap ng audience, nagsagawa ang mananaliksik ng dalawang focus group discussion: isa para sa mga estudyante ng De La Salle University-Manila at isa para sa media practitioners. Dagdag pa rito, nakapanayam ng mananaliksik sina Dr. Rhod V. Nuncio at Dr. Rolando B.Tolentino bilang key informants upang mapalalim ang pag-aaral.

Inilahad ang maikling kasaysayan ng Sawikaan. Ipinakita rin kung papaano napipili ang Mga Salita ng Taon sa Sawikaan. Matapos nito, inilarawan ang pinagmulan, depinisyon, gamit, at kahalagahan ng hinangong labingpitong salita na nagwaging mga salita mula 2004 hanggang 2010 ng Sawikaan.

Ipinakita ang paggamit at pagsikat ng Mga Salita ng Taon sa midya. Nagsagawa ng archival research ang mananaliksik sa mga naturang salita mula sa panahong ito ay hinirang bilang salita ng taon hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, natukoy kung saang uri ng midya malakas ginamit at ginagamit ang mga salitang ito.

Ipinakilala rin ang Filipino audience bilang tagapaglikha, tagapagtangkilik, tagapagpauso ng Mga Salita ng Taon. Itinukoy din sa kabanatang ito kung sino ang Filipino audience na tumatangkilik ng mga naturang salita. Dagdag pa rito, inilatag din ang espasyo sa paglikha na matatagpuan sa iba't ibang anyo ng midya. Sa huling bahagi ng kabanata, ipinakita ang pagtanggap, pagtanggi, pagtangkilik, at muling paglikha ng audience sa Mga Salita ng Taon.

Sinuri ang ugnayan ng midya at Filipino audience pag dating sa produksyon at reproduksyon ng Mga Salita ng Taon. Inilahad dito na ang batis ng midya sa mga salita ay maaaring magmula sa mga programa pero maaari rin namang manggaling sa labas. Inihain din kung bakit umuusbong at sumisikat ang mga salitang gaya ng matatagpuan sa Mga Salita ng Taon.

Gamit ang audience reception theory at ang pag apply nito sa Mga Salita ng Taon ng Sawikaan at ang mga nakalap na impormasyon mula sa isinagawang mga interbyu, sinuri ng mananaliksik ang kapangyarihan ng midya at ng audience sa paglikha ng mga salita.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21393

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

174 leaves ; 28 cm.

Keywords

Words; New

This document is currently not available here.

Share

COinS