Isang pagsipat sa konsepto ng pagtitiis sa mga piling awitin ng Apo Hiking Society
Date of Publication
2010
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Music
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Genaro Gojo Cruz
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
John Enrico C. Torralba
Abstract/Summary
Tinuturing ang grupong APO Hiking Society bilang isa sa mga hindi matatawarang mga mang-aawit ng bansa na ang popularidad ay umabot ng apat na dekada. Tinuturing ang kanilang musika bilang musikang mapagpalaya at naghahangad ng pagbabago. Ang kanilang mga awitin, ayon sa iba, ay nagsilbing mukha ng lipunan at naging instrumental sa paglaban sa rehimeng Marcos. Ngunit ang musika umano tulad ng kahit ano pa mang sining ay maaaring mag-udyok ng pagbabago o kaya naman ay magpanatili ng nakasanayan. Sa pangyayaring ito, ginamit ang konsepto ng tiis bilang parametro ng pag-aaral ukol sa mga awitin ng APO upang mapatunayan kung ang kanilang awitin ba ay naglalahad o umuudyok man lamang ng pagbabago, dahil isa itong pag-uugaling maaaring maiwasan o magawan ng paraan ng tao kung gugustuhin nito. Sinuri ang dalawampung awitin ng APO sa pamamagitan ng Asal ni Jocano. Hinati ang pagsusuri sa tatlong kategorya: ang paksa sa mga awitin, ang mga dahilan sa pagtitiis, at ang pagbibigay-solusyon ng mga awitin sa mga suliraning inihayag nito. Napag-alaman na karamihan sa mga awitin ng APO Hiking Society ay pagpuna sa mga kabalintunaan sa lipunan at kaugaliang nakasanayan na. Ayon rin sa pag-aaral, ang kalimitang dahilan ng pagtitiis na makikita sa kanilang mga awitin ay patungkol sa pakikihalubilo sa kapwa. At mula sa pagsusuri ng mga awitin ng APO Hiking Society, masasabing tila mas maraming problema ang hindi nabigyan ng solusyon sa mga awitin, Hinahamon ng mga awitin ang kanilang tiga-pakinig na sila mismo ang gumawa ng paraan sa problemang inilahad nila sa kanilang mga awitin.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21391
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
141 leaves ; 28 cm.
Keywords
Singers--Philippines; Political ballads and songs-- Philippines; Apo Hiking Society (Musical group)-- Songs and music
Recommended Citation
Pajarillaga, C. (2010). Isang pagsipat sa konsepto ng pagtitiis sa mga piling awitin ng Apo Hiking Society. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2697