Boho Boho masarap kasi dito: Ang Boho Sarapsody Bistro bilang espasyong lesbiana
Date of Publication
2012
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Other Arts and Humanities
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ma. Rita R. Aranda
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay tungkol sa pag-aaral ng isang bar bilang isang espasyong lesbiana. Sinuri sa tesis na ito ang espasyo ng Boho Sarapsody Bistro sa may Cubao, Quezon City. Ang mananaliksik ay pumunta at nakisalamuha rin sa bar na ito kung saan nagkaroon din siya ng palagayang-loob sa may-ari at sa mga kostumer ng bar at gayundin ang pagkakaroon ng ilang obserbasyon upang magbigay ng tugon sa kaniyang pananaliksik kung paano ang bar na ito ay nagiging isang espasyong lesbian. Nagkaroon ng apat na pagbisita ang mananaliksik sa Boho Sarapsody Bistro na siyang ginamit na teksto sa kabuuan ng pag-aaral na ito.
Ginamit at inilapat din ng mananaliksik ang teorya mula sa Sikolohiyang Pilipino: Batayan Sa Kasaysayan, Perpektibo, Mga Konsepto at Bibliograpiya (1979) ang metodo nina Virgilio G. Enriquez at Carmen Santiago na Makapilipinong Mananaliksik bilang pangunahing metodo at ang konsepto ni Aaron Betsky ng Queer Space mula sa kanyang akda na Queer Space (1997) upang maipaliwanag ng maayos ang proseso tungo sa pagiging isang espasyong lesbiana ng Boho Sarapsody Bistro.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21390
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
135 leaves ; 28 cm.
Keywords
Bars (Drinking establishments)--Philippines-- Quezon City; Lesbian community--Philippines-- Quezon City
Recommended Citation
Kalaw, M. R. (2012). Boho Boho masarap kasi dito: Ang Boho Sarapsody Bistro bilang espasyong lesbiana. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2696