Ang imahen ng kabataang babae sa Meg Magazine
Date of Publication
2008
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Louie Jon A. Sanchez
Defense Panel Chair
Rizalyn J. Mendoza
Defense Panel Member
Rowena Festin Valerio
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng may pang-kabuuang layuning: makilala ang imahen ng kabataang babae sa magasing Meg.
Gamit ang Historicism, tiningnan ang imahen ng kabataang babae sa kasaysayan partikular na sa panahong kolonyalismo ng mga Kastila at mga Amerikano. Ginamit rin ang Discourse Analysis sa pagtuklas kung paano nakikibahagi ang Meg magazine sa kasaysayan ng kabataang babae. Sinuri rin ang mga covers ng mga isyu ng Meg para sa taong 2007 at ginamitan ng Semiotics at Symptomatic Reading upang mas makilatis ang imahen na ipinaparating sa mga mambabasa. Sa pagbasa ng mga imaheng ito, nakabuo ang mananaliksik ng pitong temang makakalarawan sa imahen ng kabataang babae na ipinapakita ng magasing Meg.
Sa pag-aaral na ito, mas lalong nakilala ang kabataang babae, partikular na ang imahen sa magasing Meg. Ang imahen ng babaeng banidosa ngunit sa kabilang banda ay nakatatak pa rin ang mga katangian ng pagiging moral at birtuwosang babae katulad na lamang ng kababaihan ng kasaysayan. Ang pag-aaral na ito ay magiging ambag sa pag-aaral ng midya partikular na sa pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kabataang babae sa konteksto ng kulturang Filipino at kung ano ang papel na ginagampanan ng Meg sa pag-iimahen ng mga kabataang babae ng kasalukuyan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14945
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
vii, 100 leaves ; col. ill. ; 28 cm.
Keywords
Women's periodicals; Philippine--History; Women-- Philippines; Women--Press coverage--Philippines
Recommended Citation
Rivera, J. G. (2008). Ang imahen ng kabataang babae sa Meg Magazine. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2324