Ang konsepto ng bata sa programang Goin' bulilit
Date of Publication
2008
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Film and Media Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Genaro Gojo Cruz
Defense Panel Chair
Josefina Mangahis
Defense Panel Member
Rowena P. Festina Valerio
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na maipakita ang kalagayan ng mga bata sa Pilipinas. Kasama sa pag-aaral na ito ang pagtingin ng lipunang Pilipino sa mga bata. Sa pamamagitan ng programang Goin Bulilit ay nahimay-himay ang sanhi ng pagtatrabaho ng mga bata sa murang edad. Ang programa rin ang nakatulong sa pagbibigay linaw sa mga paraan ng panggagamit sa mga bata ukol sa kanilang pagtatrabaho.
Nakatulong ang Environmental Theory sa pag-aaral sapagkat nakatuon ito sa kapaligirang ginagalawan ng bata na nakakaapekto sa pag-iisip at pagkilos ng mga bata. Sa pamamagitan rin nito ay napatunayan ng pag-aaral na nakasalalay sa kanyang tinitirhang kapaligiran kung ano ang kanilang magiging desisyon sa buhay. Ang mga matanda sa kanyang paligid ay isa sa mga taong tumutulong humubog sa kanilang pagkatao. Sa kanila na nakasalalay kung magiging positibo o negatibo ito.
Natuklasan rin sa pag-aaral na ang Programang Goin Bulilit ay hindi pangbatang programa. Tugma ang titulo ng programa sapagkat bulilit o bata ang mga bida dito subalit ang nilalaman at mensahe ng palabas ay hindi para sa bata kundi para sa matatanda.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14909
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
115 leaves ; 28 cm.
Keywords
Comedy programs--Philippines; Child labor-- Philippines
Recommended Citation
Laban-laban, M. A. (2008). Ang konsepto ng bata sa programang Goin' bulilit. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2318