Mga relihiyosong gawain ng mga deboto ng imahen ng Black Nazareno
Date of Publication
2007
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Thesis Adviser
Melissa Lopez Reyes
Defense Panel Member
Andrea Tirazona
Abstract/Summary
Sinuri at pinag-aralan ng mananaliksik ang mga relihiyosong gawain tulad ng paggawa ng ritwal ng mga deboto ng imahen ng Black Nazareno. Sumasalamin sa ginawang pag-aaral na ito ang relihiyosong kaugalian na may kaugnayan sa kanilang pag-iisip at paniniwala sa buhay. Ito ay naglalarawan at nagbibigay liwanag kung bakit isinagawa ng mga tao ang ganitong uri ng pananampalataya at mga ritwal na itinutuon para sa imahen ng Black Nazareno. Inalam din ng mananaliksik ang pananaw ng mga kalahok sa Black Nazareno, pananaw kay Kristo, pananaw sa dasal at sa mga ritwal. Inihambing sa bawat isa ang mga pananaw na nabanggit upang malaman kung mayroon kaugnayan ang mga pananaw na ito sa mga deboto ng Black Nazareno. Isang eksploratoryong pag-aaral ang ginawa dito, kinalahukan ito ng pitong deboto para sa grupo ng may external na ritwal at pito rin para naman sa di-kinakikitaan ng anumang external na ritwal. Purposive sampling ang ginamit at ginawang batayan upang malaman kung sino ang magiging kalahok sa pag-aaral. Interbyu ang ginamit na metodo upang makakuha ng sapat na impormasyon. Ang mga datos na nakuha ay kwalitatibo kung kaya'y content analysis ang ginamit sa pagsusuri nito. Lumabas sa mga resulta na ang kadalasan dahilan ng paggawa nila ng ritwal ay dahil sa mga kapalit na maaaring maidulot nito. Ang ilang dahilan ng kanilang pamamanata ay pawang may kaugnay sa mga hiling na nais nilang magkaroon ng sakatuparan at halos may koneksyon ang mga kahilingang ito sa kanilang mga mahal sa buhay, trabaho, personal na bagay at iba pa na pinangangalagaan nila. Naipakita sa mga kasagutan ng mga kalahok na may natatamo o nakukuha ang mga ito sa bawat kilos o sa simpleng pagsasagawa ng ritwal. Sumunod lang dito ang tema na sa dahilan nakaugalian o nakagisnan na nila ang mga bagay na ito. Nailahad din ng mananaliksik na ang mga relihiyosong gawain ay bahagi na ng kulturang kanilang kinabibilangan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14381
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
101 leaves ; 28 cm.
Keywords
Devotional exercises; Worship; Fans (Persons); Image of God; Philippines--Religious life and customs; Filipinos--Religious life
Recommended Citation
Santos, A. P. (2007). Mga relihiyosong gawain ng mga deboto ng imahen ng Black Nazareno. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2217