Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy ang pagtatanghal ng mga kasarian sa Last Order sa Penguin ni Chris Martinez
Date of Publication
2005
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Literature
Subject Categories
Comparative Literature
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Thesis Adviser
Gerardo Torres
Defense Panel Member
Ma. Teresa Wright
Genevieve Asenjo
Grace S. Alfon
Abstract/Summary
Boy, Girl, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy . Nakakatuwang parirala na naisambibig ng halos lahat ng mga batang Pilipino. Ito ang napili kong titulo ng tesis ko sa simpleng kadahilanang dito iinog ang aking kabuuang pag-aaral. Una, hindi mapagkakaila na ang pariralang ito, sa unang pagkadinig ay sadyang takaw-pansin, sanhi ng epektibong resulta ng pagpapasa-pasa at paggamit nito hanggang sa kasalukuyang panahon. Pangalawa, nahahati ang reaksyon ng taong nakakadinig ng pariralang ito. Ang iba ay nabibigyan ng katatawanan kung hindi man ay ngiti dahilan sa naiibang pagkakasama-sama ng iba't ibang klase ng tao. Samantalang may mga piling grupo ng tao na pakiramdam ay itinatatwa sila dahilang naihahanay sila sa klasipikasyon na hindi normal kumpara sa tanggap ng lipunan: ang boy at girl . Pangatlo, dahilan sa pagbubukod ng lipunan sa kung sino ang normal laban sa hindi , nararapat lamang na alamin kung kailan unang lumabas ang pariralang ito na nagbibigay ng rekognisyon sa dalawang mas mababang kasarian na nakaugnay sa matataas na kasarian. Sa tesis na ito, susuyurin ang iba't ibang kasarian sa dula ni Chris Martinez na Last Order Sa Penguin. Ipapakita ang bawat representasyon sa pamamagitan ng teorya ni Judith Butler ng Performativity na batay sa kaniyang librong Gender Trouble. Sa pagsasalang ng bawat representasyon kung saan makikita ang pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng iba't ibang kasarian, ipapakilala sa panibagong paraan at konsepto sa mambabasa kung sino ba ang lalaki, babae, bakla at tomboy taliwas sa nakagawiang mga estereotipo. At sa kalaunan ay malalaan kung may nakikita bang posibilidad sa pagbabago sa reaksyon ng sangkatauhan sa pariralang Boy, Girl, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy o ito ay mananatiling nakakabit sa halakhak na animo'y umaalingawngaw ng pagbabatikos sa isang kabuuang pagkatao.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU13720
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
vii, 74 leaves ; 28 cm.
Keywords
Tagalog drama; Sex role--Philippines; Sex differences; Gender identity
Recommended Citation
Martin, K. d. (2005). Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy ang pagtatanghal ng mga kasarian sa Last Order sa Penguin ni Chris Martinez. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2117