Ang representasyon ng mahihirap sa lipunan sa Umaga sa Dapithapon at iba pang Akda ni Simplicio P. Bisa.

Date of Publication

1997

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Literature

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Abstract/Summary

Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay nais na makita kung paano ipakita ng isang manunulat sa kanyang mga likha ang mga tao na kabilang sa mas nakabababang antas ng lipunan kung ang pagbabasihan ay ang pinansiyal na katayuan sa buhay. Para sa pag-aaral na ito ay napiling bigyan ng pansin ang isang manunulat na may libro na koleksiyon ng mga maiikling kuwento, na ang karaniwang tema ay ang pagpapakita ng mga buhay ng mga mahihirap sa lipunan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ay nabigyang pansin ang naging buhay ng manunulat, ang mga naging impluwensiya sa kanyang pagsusulat, ang mga prosesong kanyang pinagdaanan upang makalikha ng mga maiikling kiwento at kung ano ang naging tema ng kanyang mga kuwento. Ngunit binigyan ng mas mariing pansin kung paano niya iponortray ang mga mahihirap nating mga kababayan sa kanyang mga kuwento.

Matapos ang pag-aaral, ang pagpapanayam, ay makikita na si Simplicio P. Bisa ay isang manunulat na nagsulat sa paraan na simple at natural, sa pamamagitan ng pagsusulat sa kung ano ang kanyang nakita, narinig at nasaksihan tungkol sa mga taong ito na nasa antas sa kanilang pinaglalagyan sa lipunan.

Ang kanyang mga kuwento ay koleksiyon ng mga pangyayaring malapit sa katotohanan, nagpakita sa kalagayan ng mga taong ito sa kanilang normal na anyo, seting at sitwasyon.

Ganoon lamang kasimple at kanatural.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09409

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

69 leaves

This document is currently not available here.

Share

COinS