Isang ekskarsyon sa pigeonhole principle at sa teorem ni Ramsey

Date of Publication

1996

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Science in Mathematics

College

College of Science

Department/Unit

Mathematics and Statistics

Abstract/Summary

Ang tesis na ito ay isang palahad na pananaliksik sa konsepto ng Pigeonhole Principle at ang mga kaugnay nitong paksa tulad ng numerong Ramsey at ang Teorem ni Ramsey. Nakasaad sa papel na ito ang ilan sa mga teorem at katuringan ng mga terminolohiya hinggil dito.

Ang Pigeonhole Principle, sa isang di-pormal na paglalahad, ay nagsasabi na kung may maraming mga kalapati at may kakaunting mga hawla, may isa, o higit pang mga hawla na magkakaroon ng dalawa o higit pang mga kalapati. Ipinapakita sa tesis na ito ang kahalagahan ng naturang alituntunin hindi lamang sa Kombinatorika kundi maging sa iba pang sangay ng Matematika. Partikular na tinalakay sa tesis na ito ang ilan sa mga gamit ng Pigeonhole Principle sa Graph Theory sa diskusyon ng mga klik at mga numerong kromatiko.

Isinulat ang kabuuan ng tesis sa wikang Filipino. Kaugnay nito, may inihanda ang manunulat na listahan ng mga matematikal na terminolohiya na isinalin na sa wikang Filipino. Makatutulong ito upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang tesis.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07659

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

62 leaves

Keywords

Set theory; Functions; Ramsey theory; Combinatorial analysis; Graph theory

This document is currently not available here.

Share

COinS