Sining sa kasalan: Pagsusuri ng mga pelikulang likha ni Jason Magbanua sa mga kasal gamit ang teoryang semiotics

Date of Publication

2017

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

South and Southeast Asian Languages and Societies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Dexter B. Cayanes

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

David Michael M. San Juan
Deborah S, Anastacio

Abstract/Summary

Si Jason Magbanua ang kinikilalang nagsimula ng kakaibang bidyo sa kasalan at isa sa pinakamahusay sa panahon ngayon. Nagsimula siya sa kanyang karera bilang propesyonal na wedding videographer noong taong 2000. Ang kakaibang istilo niya at paggamit ng Same Day Edit (SDE) ang nagdala ng kaniyang kasikatan hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Ang tesis na ito ang kikilala sa galing at talino ni Jason Magbanua sa wedding videography at kung paano nya naitaguyod ang industriyang ito. Malimit na hindi alam ng taong ikakasal, kinasal at mga nasa larangan ng wedding videography si Jason Magbanua. Sisipatin ng tesis na ito ang kanyang kakaibang istilo, paglapat ng elementong pampelikula at kung ano ang tatak Jason Magbanua. Gagamitin ang teoryang Semiotics na itinaguyod n Roland Barthes upang mabigyan linaw ang mga tiyak na istilo ni Jason Magbanua sa Wedding Videography at kung paano ito nakakaapekto sa mga kumukuha ng kanyang serbisyo maging ang mga nanonood nito.

Naging bahagi at dahilan si Jason Magbanua sa lumalagong industriya ng wedding videography at pagturing ng mga Pilipino bilang sining sa mga likhang bidyo sa kasal. Maaring mabibilang lang sa kamay ang mga bahagi ng industriya ng wedding videography noong taong 2000 ngunit ngayon sa bawat bahagi ng bansa mayroon na. Si Jason ang naging dahilan sa paghihiwalay ng serbisyo ng video sa photo na karaniwang pinag-iisa noong panahon na iyon. Isang karagdagang serbisyo lamang ang bidyo noon sa mga wedding photographer ngunit noong taong, binigay niya ang serbisyong bidyo na bukod sa serbisyo ng photo. Sa 17 na taon na niya sa indistriya maaring walang makakapagsabi na hindi siya naging bahagi ng ganda at respeto sa indusriya ngayon.

Mula sa pag-aral ng 8 na SDE matatagpuan sa kanyang Youtube Channel maaral ang mga produktong pelikula niya. Makikita ang kakaibang istilo na hatid ni Jason Magbanua at kung paano nya ginagamit ang fotoage sa pagkakaroon ng isang emosyonal at hindi makakalimutang bidyo. Ang mga empleado niya ang magiging bahagi ng panayam upang magkaroon ng kaalam kung paano mamalakad at ano ang patakaran ni Jason Magbanua sa kanyang kopon na sa pagsasabak sa kasal. Isang wedding photographer na kasama niya noon pa sa pagsimula niya ang magbabahagi ng kanyang kaalaman. Isang wedding supplier na nagsimula noong 1998 ang magsasabi kung paano naging malaki ang kontribusyon ni Jason Magbanua sa industriya wedding videography. Sa pinagsama sama mga datos na ito mauunawaan ang galing at epekto ni Jason Magbanua sa lipunan.

Naging bahagi na si Jason Magbanua sa tagumpay ng Pilipino pagkat nagkaroon sya ng maramign parangal sa bansa at maging sa ibang bansa. Isa sa most influential videographers in the world ang kanyang naging titulo at mula dito nararapat lang na bigyang pansin ito upang malaman ng lahat kung ano ang kanyang kakaibang istilo at dalang galing para sa lipunan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19470

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

197 leaves, illustrations (some color), 28 cm.

Keywords

Weddings--Philippines; Video recordings--Philippines; Marriage--Philippines; Marriage customs and rites--Philippines; Marriage service--Philippines; Jason Magbanua; Roland Barthes

Embargo Period

5-10-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS