Ang mga wika ng mga Lasalyanong Tsinoy sa iba't ibang domeyn

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

South and Southeast Asian Languages and Societies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Demeterio Demetrio

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

David San Juan
G. Joel O. Orellana

Abstract/Summary

Ang papel na ito ay tungkol sa mga wika at domeyn ng mga Filipino-Chinese o mas kilala bilang Tsinoys na dumadami ang populasyon sa Pilipinas. Hindi lamang ang mga kultura o tradisyonal na kasanayan ang impluwensiya ng mga Tsinoys kundi na rin ang paggamit ng iba't ibang wika. Dahil dito, nais malaman ng mananaliksik ang mga hirarkiya ng wika ng mga estudyanteng Tsinoy na nag-aaral sa loob ng De La salle University sa iba't iabng domeyn upang malaman ang mga rason o dahilan kung bakit may pinipiling mga wika ang mga Tsinoy sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ginamit ang Domain Concept ni Schmidt-Rohr bilang gabay sa pagkuha ng mga datos at mahalagang teorya na magagamit sa pagbuo ng papel na nito. Base rito, mas mainam na magkaroon ng interaksyon ang mananaliskik sa mga kalahok sa pag-aaral upang makakuha ng mas konkretong datos. sa paggawa ng Focus Group Discussion (FGD) at surbey questionnaire na ipapasagot sa isang daan (100) Lasalyanong Tsinoy, masasagot ang mga suliranin na nakapaloob sa tesis na ito.;"Base sa mga datos nanakuha mula sa nagawang surbey at Focus Group Discussion, ang mga wika na ginamit ng mga Lasalyanong Tsinoy ay Tagalog, Ingles, Fookyen, Mandarin at Cebuano. Ang mga makabuluhang domeyn naman ay ang mga lugar na Tahanan, Eskwelahan, Trabaho, Pasyalan, Usapin tungkol sa Pera at Simbahan. Ang mga pangunahing dahilan kung bakit nagpapalit ng wika o ang dahilan sa likod ng hirarkiya ng wika sa mga domeyn na nabanggit ay una-- upang mapadali ang pakiki-angkop nila sa ibang tao at kapaligiran, pangalawa-- depende sa kasama, pangatlo-- depende sa kung anong wika ang mas angkop sa usapin at pang-apat-- dahil mas komportable sila gamitin ang spesipikong wika sa iba't ibang domeyn.

Abstract Format

html

Accession Number

TU19468

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[7], 84 leaves, illustrations (some color), 29 cm.

Keywords

Language and culture--Philippines; Racism in language; Language and languages

Embargo Period

5-10-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS