Pwede rin bang maging kay Pedro ang kay Juan? Karanasan ng mga lalaki sa pagligaw ng kanilang kabarkada sa dating kasintahan
Date of Publication
2002
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ginamit ang disenyong eksploratoryo sa pag-aaral upang ilarawan ang karanasan ng isang lalaki sa pagligaw ng kanyang kabarkada sa dating kasintahan. Layunin ng pag-aaral na tukuyin ang mga dahilan ng pagiging katanggap-tangap o hindi katanggap-tanggap para sa isang lalaki ang pagligaw ng kabarkada sa dating kasintahan. Ang labin-limang kalahok ay mga estudyante sa iba't-ibang kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila. Nakabuo ng tatlong grupo para sa ginabayang talakayan at mula rito ay pumili ng siyam na kalahok para sa malalimang pakikipanayam. Ang datos na nakuha ay sinuri sa pamamagitan ng content analysis. Natuklasan na para sa ibang lalaki ay katanggap-tanggap ang pagligaw ng kabarkada sa dating kasintahan habang hindi naman ito katanggap-tanggap para sa iba. Mayroong apat na salik na ginamit na batayan sa pagtukoy nito: lalim at tagal ng pagsasamahan ng lalaki at kabarkada, lalim ng relasyon sa dating kasintahan, pagitan ng panahon sa paghihiwalay at pagligaw, at pagsabi ng kabarkada sa intensyong pagligaw.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10987
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
55 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Flores, K., Gispin, M. P., & Isla, C. (2002). Pwede rin bang maging kay Pedro ang kay Juan? Karanasan ng mga lalaki sa pagligaw ng kanilang kabarkada sa dating kasintahan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/12143