Pagsusuri ng nibel ng kabatiran ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na antas ng sectarian at non-sectarian na mataas na paaralan tungkol sa AIDS
Date of Publication
1992
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Sociology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Behavioral Sciences
Thesis Adviser
Jesusa Marco
Abstract/Summary
Ang walang humpay na paglaganap ng sakit na AIDS ay patuloy na inilalagay ang bawat indibiduwal sa panganib ng pagkahawa nito. Minarapat ng mga mananaliksit na gumawa ng pag-aaral hinggil sa nibel ng kamalayan o kabatiran ng mga mag-aaral sa ikaapta na taon ng haiskul na nabibilang sa sectarian at non-sectarian na paaralan. Ang kamalayan ng mga mag-aaral ay ibinase sa kanilang kaalaman hinggil sa transmisyon, pagsasawata, myths at risk groups.
Mula sa nalikom na mga datos ang mga nasa non-sectarian ay may mas alam kaysa sa mga nasa sectarian. Ang mga may sex education naman ay may mas nalalaman kaysa sa mga walang sex education. Ang pinakaalam na paraang ng transmisyon ng mga mag-aaral ay sa pakikipagtalik sa opposite sex. Sa larangan naman ng maaaring magkaroon ang pagpapalit ng maraming kapareha ang may pinakamalaking tsansa ng pagkaroon ng AIDS. Sa paraan ng pagsasawata ang paggamit ng condom ang pinakaalam na paraan ng pagsasawata ng mga respondyente.
Sa aspeto ng pinanggalingan ng impormasyon, ang mass media (babasahin at telebisyon) ang pinanggagalingan ng kanilang mga impormasyon.
Para makuha nag mga datos na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan. Para makakuha ng mga respondyente ang mga mananaliksik ay gumamit ng multi-stage sampling na may suma total na 100 respondyente.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU18108
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
95, 24 unnumbered leaves ; 28 cm.
Recommended Citation
Arbolente, M., Enriquez, M., & Lindo, M. P. (1992). Pagsusuri ng nibel ng kabatiran ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na antas ng sectarian at non-sectarian na mataas na paaralan tungkol sa AIDS. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11809