Tol' okay ka lang? Ang konsepto ng paglalambing sa konteksto ng magkakapatid na ang isa ay nasawi sa pag-ibig
Date of Publication
2013
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Thesis Adviser
Roberto E. Javier, Jr.
Defense Panel Member
Jose Maria A. Diestro, Jr.
Abstract/Summary
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa konsepto ng Sikolohiyang Pilipinong Paglalambing. Partikular sa paglalambing ng magkakapatid na ang isang kapatid ay nasawi sa pag-ibig. Ginamit ang Pakikipagkuwentuhan sa mga kalahok bilang pamaraan ng pagkalap ng datos. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay walong (8) kabataang may mga kapatid na nakaranas ng pagkasawi sa pag-ibig. Hindi binigyang pansin ang edad ng mga kalahok. Sinuri ang mga sagot ng mga kalahok gamit ang narrative analysis. Inalam kung paano gamitin ang paglalambing bilang pagtulong sa kanilang kapatid na nasawi sa pag-ibig. Ayon sa nakalap na datos, ang paglalambing isang kagamitan na ginagamit upag matulungan mapagaan ang loob ng kanilang kapatid. Ang epekto ng lambing sa kanilang kapatid ay panandalian lamang at sapat na ito para pansamantalang makalimutan ang problemang pinagdaraanan. Isa pang natuklasan sa pag-aaral na ito, nabigyang halaga at diin ang pagkakaroon ng tungkulin ang kapatid na kusang naglalambing upang matulungan ang kanilang kapatid na nasawi sa pag-ibig.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU18383
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
v, 57 leaves: ; illustrations ; 28 cm.
Recommended Citation
Chin, P. D., Gatan, R. T., & Ver, J. O. (2013). Tol' okay ka lang? Ang konsepto ng paglalambing sa konteksto ng magkakapatid na ang isa ay nasawi sa pag-ibig. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11805