Mga naglilive-in na heterosekswal at homosekswal: Isang pag-aaral sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal
Date of Publication
1999
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal (kapwa 2gay3 at lesbian3) sa iba’t ibang aspeto ng pagsasama kagaya ng proseso ng pagsisimula ng pagsasama, papel na ginagampanan ng bawat isa sa relasyon at paraan ng pagpapanatili at pagpapatibay nito. Gumamit ang mga mananaliksik ng 2chain-referral sampling3 sa pagpili ng siyam na pares ng mga nagsasamang kalahok. Sa pagkuha ng datos, gumamit ng malalimang pakikipanayam, kung saan, ang mga pares na kalahok ay malayang nakapaglahad ng kanilang karanasan sa pagsasama. Ang mga nakalap na datos mula sa siyam na sesyon ng pakikipanayam ay sinuri sa pamamagitan ng 2content analysis3. Mula sa pag-aaral na ito, napag-alamang may mga pagkakatulad at pagkakaibang makikita mula sa mga pagsasamang heterosekswal at homosekswal. Makikita ang mga pagkakatulad at pagkakaibang ito mula sa iba’t ibang aspeto ng pagsasama. Gayundin, napag-alamang higit na pagkakatulad ang makikita mula sa pagsasama ng mga heterosekswal at lalakeng homosekswal (gay) kumpara sa pagsasama ng mga babaeng homosekswal (lesbian).
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09044
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
98 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Castillo, R. R., Sy, M. N., & Uy, A. L. (1999). Mga naglilive-in na heterosekswal at homosekswal: Isang pag-aaral sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11804