SALI ... ang pag-unlad ng kakayahang makipag-ugnayang sosyal ng mga bata

Date of Publication

1999

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naghahangad na malaman at maintindihan ang konsepto ng pagsali ng bata sa pakikipagkaibigan. Nais masagot ang mga katanungang anu-ano ang mga sitwasyon, pamamaraan at pananahilan ng isang bata sa kanyang pagsali. Tatlong paaralan ang naobserbahan sa pag-aaral, ang Salome L. Tan, Betty's Bellarmine Academy, at Estrada Nursery and Tutorial Center. 62 ang bilang ng lumahok mula sa tatlong antas pang preparatory school years na Nursery, Kinder at Prep. Mula sa 62 na ito, 25 ang nagpakita ng behebyur na pagsali. Ang 25 na ito ang inobserbahan ng mabuti sa pamamagitan ng di-namamalayang pagmamasid at dito nakita ang mga sitwasyon at pamamaraan ng pagsali ng bata. Nagsagawa din ng kuwentuhang pangpangkat upang malaman ang dahilan sa kanyang pagsali. Ayon sa resulta, ang bata sa antas na Nursery ay pinahahalagahan ang laruan sa kanyang pagsali. Ang antas na Kinder naman ay binigyang halaga ang grupo. Mas sumasali sa grupo, may laruan man ito o wala. Wala namang partikular na sitwasyon o panahilan sa pagsali ang batang nasa antas na Prep. Ito ay nagpapakita na marunong na silang makibagay sa sitwasyon na kinaroroonan nila. May pagkakaiba mang naita sa pag-aaral sa tatlong antas na pangedukasyon, makikita pa rin ang continuity o pagkakasunod-sunod ng kanilang debelopment. Nakita rin na ang mga bata sa pag-aaral ay mayroon nang kakayahang makipagkaibigan at hindi na nila kailangan ang tulong ng mas nakakatanda.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09030

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

104 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS