Ang penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo
Date of Publication
1999
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral ay nauukol sa penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang mailarawan ang paghihiganti ayon sa mga sitwasyon na nag-udyok, emosyong napapaloob bago, habang at pagkatapos maghiganti at sa pamamaraan ng paghihiganti. Gumamit ng malalimang panayam upang makakuha ng datos sa walong bilanggo na bahagi ng pag-aaral. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng pagtingin ng mga temang lumitaw, mula sa ipinagsama-samang sagot. Lumabas sa pag-aaral na ang mga sitwasyon na nag-udyok sa mga bilanggo upang maghiganti ay pang-aapi, paggawa ng masama sa kanilang minamahal at pagtapak sa kanilang pagkalalaki. Sa mga emosyong napapaloob, bago maghiganti, lahat ng mga kalahok ay nakaramdam ng galit at benggatibo, habang naghihiganti ang ilan ay nakaramdam ng pagkawala sa sarili at pagkatapos maghiganti, halos lahat ay walang naramdaman na pagsisisi. Ang mga kalahok ay gumamit ng dahas upang makapaghiganti.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09049
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
101 leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Cruz, R. B., De Guzman, R. A., & Landrito, M. C. (1999). Ang penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11798