Tayo na hindi tayo: Ang malalim na kahulugan ng mutual understanding batay sa karanasa ng mga kabataang Pilipino
Date of Publication
2015
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang Mutual Understanding (MU) ay isang uri ng relasyon na nangyayari lamang sa Pilipinas (Tan, Batangan at Cabado-Espanola, 2001). Ang konseptong ito ay wala pang malinaw at tiyak na depinisyon (Conaco, Jimenez at Billeno, 2003 at Tan et al., 2001) na umunlak sa mananaliksik na galugarin ang penomenang ito base sa karanasan ng mga dumaan sa MU. Labing-anim na kabataang Pilipino na nanggaling sa Luzon, Visayas at Mindanao ang mga naging kalahok sa pag-aaral na sumailalim sa semi-structured na pakikipagkwentuhan. Nakabuo ng dalawang malalaking tema ayon sa resulta - mga Kaisipian at mga Dinamiko. May karagdagan ding impormasyon tungkol sa kaugalian ng Pilipino at ang dahilan kung bakit sa Pilipinas lang ito nangyayari. Napagpasyahan na komplikadong uri ng relasyon ang MU dahil sa pagkakatulad nito sa ibang uri ng relasyon tulad ng deyting at panliligaw. Napagtanto na may sariling kahulugan ang mga pangkaraniwang tao ukol sa MU ngunit ayon sa impormasyon ng mga kalahok, napagpasyahan na ang MU ay impormal na uri ng relasyon na walang commitment.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU20127
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
66 leaves ; 28 cm.
Recommended Citation
Cabrera, D. G., Colasito, T. M., Lagdameo, S. Y., & Yulo, H. G. (2015). Tayo na hindi tayo: Ang malalim na kahulugan ng mutual understanding batay sa karanasa ng mga kabataang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11796