Tambay tayo: Ang biruan sa barkada ng mga lalabintaunin

Date of Publication

2008

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Adrianne John Real Galang

Defense Panel Member

Roberto E. Javier, Jr.

Abstract/Summary

Ang isang lalabintaunin ay nasa napakahalagang yugto ng kanyang buhay sapagkat dito nakakaranas siya ng mga pagbabagong pisikal, sosyal at sikolohikal. Sa panahong ito nahuhubog ang malaking parte ng buhay ng isang indibidwal. Ang pag-aaral na ito ay nagbigay pokus sa biruan ng mga magkakabarkadang lalabintaunin at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang debelopment. Para malaman kung papaano nakakaapekto ang biruan sa isang barkada nakisama at gumamit ng metodong pag-oobserba na may pakikilahok ang mga mananaliksik. Tatlong grupo ng magkakabarkada ang inobserbahan ng tatlo hanggang apat na beses. Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng paggawa ng field notes pagkatapos ng obserbasyon. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng kwalitatibong pamamaraan. Ang mga magkakatulad na mga obserbasyon ay ipinagsama at sa mga nakalap ay nabuo ang mga temang nakita ng mga mananaliksik na sapat na makapagpapaliwanag sa pag-aaral. Ang mga resulta ay naglarawan sa silbi, epekto, laman at proseso ng biruan na nakakatulong sa pagdebelop ng isang lalabintaunin. Ayon din sa pag-aaral ang pagkakapikon ay naiiwasan at sa halip nagiging pangkatuwaan na lang sa mga magkakabarkada ang biruan dahil sa pagkakalapit nila sa isa't-isa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU14434

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

75 leaves ; 28 cm.

This document is currently not available here.

Share

COinS