Isang deskriptibong pag-aaral tungkol sa paglalakwatsa sa Mall ng mga kabataang mag-aaral at nagtatrabaho

Date of Publication

1999

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang disenyo ng isinagawang pag-aaral ay deskriptibo tungkol sa paglalakwatsa sa mall ng mga mag-aaral at nagtatrabaho. Ang layunin ng pag-aaral ay upang sagutin ang mga suliranin na: ang dahilan at dalas ng paggawa nito, ang kahihinatnan kapag ginawa ito, at ang pagkakaiba ng paglalakwatsa ng mga mag-aaral at nagtatrabaho. Ang mga kalahok ay may edad na 13 hanggang 45. Animnapu ang kabuuang bilang ng mga kalahok na sumali sa pag-aaral. Pagtatanong-tanong at di-nakabalangkas na pakikipanayam ang mga metodong ginamit upang makakuha ng datos. Purposive sampling ang ginamit sa pagkuha o pagpili ng kalahok. Gumawa ng gabay para sa pakikipanayam upang maging maayos ang daloy ng panayam. Qualitative content analysis ang ginamit sa pagsusuri ng datos. Mula dito, napag-alaman na mas madalas maglakwatsa ang mga mag-aaral kaysa mga nagtatrabaho. May kanya-kanyang dahilan at pinahahalagahan ang dalawang grupo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09047

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

72 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS