Sobra na, kulang pa? (isang pag-aaral sa impluwensiya ng mga pampamilyang baryabol sa konsepto ng sarili ng batang gifted)
Date of Publication
2000
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang impluwensiya ng mga pampamilyang baryabol na kinabibilangan ng (1) relasyon ng batang gifted sa kanyang magulang, (2) relasyon ng batang gifted sa kanyang kapatid, (3) istilo ng pagpapalaki ng magulang, at (4) pag-uugali ng kapatid sa konsepto ng sarili ng mga batang gifted. Gumamit ang mga mananaliksik ng metodong sarbey sa pagkalap ng mga datos. Ang ginamit na disenyo sa pagpili ng mga kalahok ay non-probability purposive sampling. Binubuo ng tatlong kategorya ang mga kalahok sa pag-aaral na ito, ang (1) batang gifted, (2) magulang ng batang gifted, at (3) kapatid ng batang gifted. Nakakuha ang mga mananaliksik ng 66 na kalahok sa bawat kategorya. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng stepwise multiple regression analysis. Napag-alaman ng mga mananaliksik na may makabuluhang impluwensiya sa konsepto ng sarili ng mga batang gifted ang ilan sa mga baryabol na pangkapatid.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09485
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
126 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Nario, M. G., Tomas, F. O., & Umali, P. V. (2000). Sobra na, kulang pa? (isang pag-aaral sa impluwensiya ng mga pampamilyang baryabol sa konsepto ng sarili ng batang gifted). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11744