Tingin sa sarili ng tatlong ina maralitang ina na taga-lungsod
Date of Publication
2000
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Nilayon ng pag-aaral na itong ilarawan ang tingin sa sarili ng mga maralitang inang taga-lungsod sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain, gaano katagal nila ginagampanan ang mga gawaing ito, at kung sinu-sino ang kanilang mga nakakasalamuha. Ang kanilang mga gawain at pakikitungo sa iba, habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin, ay maaaring batayan ng kung ano ang tumatakbo sa kanilang mga isipan at kung paano nila tinitingnan ang kanilang sarili sa isang partikular na konteksto. Malaki ang ginagampanang papel ng mga ina sa pagpapatnugot ng lipunan kaya't mahalagang pag-aralan kung sino sila. Upang makalap ang mga kinakailangang datos, kinapanayam ng mga mananaliksik ang tatlong ina sa Welfareville Compound, Mandaluyong. Sa pamamagitan ng impormal na interbyu, pakikipagkwentuahan, at naturalistic observation, nakagawa ang mga mananaliksik ng isang deskriptibong paglalahad ng kung ano ang mga papel na ginagampanan ng mga ina. Mula dito, napag-alamang ang tingin sa sarili ng mga ina sa isang partikular na konteksto ay naipapakita sa kanilang papel bilang asawa, ina, ina ng tahanan o homemaker, at kapwa. Sa mga ito, nailahad na ang sariling angkin ng pagiging ina ay nakabuhol sa pamilya.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU09468
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
230 leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Cainto, M. C., Gonzales, A. S., & Rivera, A. C. (2000). Tingin sa sarili ng tatlong ina maralitang ina na taga-lungsod. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11741