Baduy mo, tsong! isang pag-aaral sa konsepto ng pagiging baduy

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratibong pag-aaral ukol sa konsepto ng pagiging baduy. Layunin ng pananaliksik na ito ang malaman kung kailan ginagamit ng tao ang salitang baduy at kung anu-ano ang mga batayan niya upang masabi ang isang tao ay baduy. Isa itong maka-Pilipinong pananaliksik na naghahangad na maintindihan ang saloobin ng Pilipino ukol sa konseptong Pilipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng purposive sampling technique na mayroong elemento ng convenience sampling. Pinili ang katutubong metodo na pagtatanung-tanong sa pangangalap ng datos. Umabot sa 34 na kalahok mula sa Pamantasang De La Salle ang nakausap. Napag-alaman na walang unibersal o pangkalahatang pagpapakahulugan sa konsepto ng pagiging baduy ngunit magkakahalintulad ang mga tema ng mga batayan ng mga tao sa pagbuo nila ng naturang konsepto na may kinalaman sa pisikal na katangian at sa pananalita at kilos of gawi. Nakitang ang mga kaakibat na konsepto sa baduy ay may kinalaman sa nawawala sa uso at nagiging laos, hindi tumutugmang kulay ng pananamit, corny, paulit-ulit na nagiging nakakasawa, panggagaya, trying hard, hindi kayang dalhin, at hindi bagay. Ang mga ito ang siyang nakapagbuo ng konsepto ng pagiging baduy. Ang pag-aaral ukol sa konseptong ito ay kauna-unahang naitala sa larangan ng Sikohiyang Pilipino.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10977

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

77 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS