WANTED...Yaya para kay lolo at lola: Pag-unawa sa mga tagapag-alaga ng matatandang may dementia sa Pilipinas

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong pag-aaral tungkol sa pag-unawa ng mga tagapag-alaga ng matandang may dementia. Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga karanasan, nararamdaman at pananaw sa buhay ng mga tagapag-alaga ng mga matatandang may dementia. Gumamit ang mga mananaliksik ng referral sampling teknik para sa pagkuha ng mga tagapagbatid at malalimang panayam sa pagkalap ng datos. Ang mga tagapagbatid ay mga personal at propesyonal na tagapag-alaga. Case analysis ang ginamit sa paglalahad ng datos samantala, content analysis naman ang ginamit sa pagsuri ng datos. Ang dahilan kung bakit naging tagapag-alaga, ang papel na ginagampanan, ang mga problemang hinarap at hinaharap, ang mga pangangailangan, ang mga benepisyo, ang epekto ng kanyang pag-aalaga sa personal na relasyon, ang implikasyon ng ginagawa ng mga tagapag-alaga sa kanyang inaalagaan at ang dapat maging katangian ng isang mahusay na tagapag-alaga ang mga naging paksa ng pag-aaral. Nalaman ng mga mananaliksik na maraming papel ang ginagampanan ng isang tagapag-alaga ng matandang may dementia at maraming problemang kinahaharap ang mga ito. Kinakailangan ng isang tagapag-alaga ng pasensiya, pag-iintindi, pagkakaroon ng tiyaga at malasakit para sa inaalagaan. Nakita rin ng mga mananaliksik na sa kabila ng mga problema na nararanasan ng isang tagapag-alaga, kinakailangan na maging matatag ang relasyon ng isang tagapag-alaga at ang kanyang inaalagaan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU11026

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

83 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS