Iba ako, iba ka: Pagkakaiba sa proseso ng pagtanggap ng mga anak na babae at anak na lalake sa pagkakaroon ng isang madrasta

Date of Publication

2000

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa proseso ng pagtanggap ng mga piling anak sa panguman sa kanilang madrasta. Sa pamamagitan ng malalimang pakikipanayam, ito ay naglalayong makapagbigay ng impormasyon at linaw tungkol sa prosesong pinagdadaanan ng mga bata at kung papaano nila natutunang tanggapin ang kanilang madrasta. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo at eksploratibo na kung saan inilarawan sa pag-aaral ang mga hakbang na sinasailalim ng mga piling anak ayon mismo sa kanila. Ang labing-apat na kalahok na anak ay nahahati sa dalawang grupo: ang mga kalalakihan at ang mga kababaihan. Ang mga ito ay nalipon sa pamamagitan ng purposive sampling partikular na ang chain referral. Ang mga kalahok na madrasta ay mula sa Cavite, Rizal, Antipo, Laguna, Batangas, Maynila at Pasig. Ang mga datos ay sinuri at inalisa sa kwaliteytibong pamamaraan. Ang mga kasagutan sa inilahad na suliranin ay ipinangkat ayon sa dalawang grupo ng mga kalahok. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga nakikitang tungkulin ng mga madrasta ay nakakaapekto sa pakikitungo sa kanila ng mga anak sa panguman. Ang pagkakaiba ng mga anak sa kanilang pagtanggap ay hindi lamang nagkakaiba dahil sa kanilang kasarian ngunit nagkakaiba din dahil sa mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09480

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

152 leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS