Natatrabaho si ina, tambay si ama
Date of Publication
2001
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga inang "breadwinner" kung saan sila lamang ang mag-isang kumakayod para sa kanilang pamilya habang ang kanilang esposo ay nananatili sa bahay. Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang mga paraang ginagawa ng isang inang "breadwinner" upang mahati ng tama ang kanyang oras sa pagitan ng kanyang trabaho at pamilya. Kasabay nito, inalam din ng mga risertser ang mga pangunahing dahilan na nag-uudyok upang magkaroon ng isang inang "breadwinner". Ang kasalukuyang relasyon ng isang inang "breadwinner" sa kanyang esposo at mga anak ay tinuunan din ng pansin ng pag-aaral na ito. Sa tulong ng mga nabanggit na layunin, naging daan ito upang malaman ang mga pansariling pananaw at damdamin ng mga nabanggit na ina. Gumamit ang mga mananaliksik ng "descriptive approach" at kinabilangan ito ng isang malalimang pakikipanayam sa siyam na inang partisipants na nagmula sa mababang antas ng lipunan partikular na sa mga lalawigan ng Quezon at Bulacan, pati na rin sa Lungsod ng Maynila. Ang mga esposo ng mga nasabing ina ay walang trabaho sa panahong hindi bababa sa anim na buwan. Tiniyak rin ng mga risertser na may anak na tinutustusan ang mga inang partisipant. Maraming mga dahilan kung bakit mas pinipili ng isang ina ang magtrabaho kaysa manatili sa bahay at alagaan ang kaniyang pamilya. Isa na rito ay ang kahirapan sa buhay na sinabayan pa ng pagkakaroon ng karamdaman at kapansanang pisikal ng kani-kanilang mga esposo. Panghuli ay ang kagustuhan nilang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Mula sa pag-aaral na ito, naglahad ang mga partisipants ng mga epektibong paraan na ginagawa nila upang mahati ng tama ang kanilang oras sa pagitan ng kanilang trabaho at pamilya. Lumabas mula sa resulta na mas mahaba ang oras na inilalaan ng mga inang "breadwinner" sa kanilang trabaho kaysa sa kanyang pamilya. Sa katunayan, tuwing araw ng Linggo lamang nakakasama ng ina ang kanyang pamilya sa mas mahabang oras. Sa kabilang banda, mayroon silang inilalaan na oras para gawin ang kanilang mga tungkulin sa loob ng tahanan sa pang-araw-araw nilang iskedyul. Pinakahuling parte ng pag-aaral ay ang pagtukoy sa apat na pangunahing isyu na may kinalaman sa paghahati ng oras sa loob at labas tahanan ng isang inang "breadwinner".
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10444
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
93 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Adriano, T. V., Farolan, R. M., & Pancho, F. O. (2001). Natatrabaho si ina, tambay si ama. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11733