Napanood mo na ba? (Pagpili ng pelikulang panonoorin)

Date of Publication

2000

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng pelikula, ang mga saloobin, paniniwala at paghahanda sa pagkilos mayroon ang isang manonood at ang paraan ng pagpili ng pelikulang panonoorin. Upang matugunan ang mga katanungang kumakatawan sa paksa ng pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng metodong pagtatanong-tanong. Pinili ang mga manonood na may edad labintatlo pataas at isinagawa ang pagtatanong-tanong sa labasan ng sinehan sa Robinson's Place. Sinigurado ng mga mananaliksik na ang mga tatanungin ay hindi pa nakapanonood ng pelikula at nasa proseso pa lamang ng pagpili ng panonoorin. Mula sa mga kasagutang nalikom ay nakabuo ng mga kategorya ng mga salik, saloobin at paniniwala na nagsisilbing mahalagang elementong nakapag-uudyok na panonoorin ang isang pelikula. Ginamit ang pagsusuring nilalaman upang makahantong sa mga kategoryang nabuo. Mula dito, napag-alaman na ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ay maaaring panloob o panlabas. Nalaman din na ang mga saloobin at paniniwala ay ang nagbibigay ng halaga at impluwensiya sa mga salik na nabanggit. Ang panonood ng pelikula ay madalas na biglaan kaysa planado ngunit pareho ang tatlong lebel ng pagpili ang dinaraanan. Napag-alaman din na karaniwang High involvement purchase process ang interaksyon ng saloobin at paniniwala sa pagpili ngunit maaari rin itong maging experential at beheybyoral.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09469

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

105 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS