Mabisang paraan ng pagtawad
Date of Publication
2001
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa dalawang paraan ng pagtawad-kognitibong paraan at apektibong paraan. Kognitibong paraan ang ginamit kapag ang mamimili ay nagbibigay ng katwiran kapag siya ay tumatawad. Apektibong paraan naman kapag ang mamimili ay kinukuha ang simpatiya at umaapila sa emosyon ng tindera. Gumamit ng dalawang paraan ang pag-aaral na ito, una ay ang pag-oobserba at ang pangalawa ay ang aktwal na eksperimento. Lumalabas sa pag-oobserba na ang madalas gamitin ng mamimili sa paghingi ng tawad ay ang kognitibong paraan. Napag-alaman rin na ang pagiging suki ng isang mamimili ang pangunahing dahilan kung bakit nagbibigay ng tawad ang tindera. Ang pangunahing dahilan naman ng di pagbibigay ng tawad ng mga tindera ay ang pagkakaroon ng tapat na presyo o fixed price . Sa ginawang aktwal na eksperimento lumalabas na walang pagkakaiba sa bisa sa paghingi ng tawad ang kognitibong paraan at apektibong paraan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10482
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
53 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Ong, C. C., San Pedro, F. S., & Tan, A. M. (2001). Mabisang paraan ng pagtawad. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11730