Barkada ...ano iyon?
Date of Publication
2000
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay susuri at mag-iimbestiga sa konsepto ng Barkada na binubuo ng isang grupo ng mga magkakaibigan na karaniwa'y may pare-parehong mga hilig, interes, at pag-uugali. Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin, ilarawan, at bigyang kahulugan ang konsepto ng Barkada na magmumula sa mga tugon ng mga kalahok na may edad 13 hanggang 23. Disenyong exploratory ang ginamit sa pag-aaral na ito upang malaman ang kahulugan ng salitang Barkada at upang malaman ang mga kaganapan sa isang Barkada. Samantala, upang masagot ang mga katanungan ukol sa konsepto ng Barkada, gumamit ang mga mananaliksik ng katutubong paraan ng Pakikipagkuwentuhan, na nagpahintulot sa mga kalahok na malayang magpahayag ng kanilang saloobin nang hindi nalilimitahan ng saklaw ng isang tanong. Purposive sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok. Nararapat na ang mga kalahok ay may gulang na mula 12-35 at nabibilang sa isang grupo na kinabibilangan ng kanilang mga kaibigan na higit sa dalawa ang dami, tatlong taon na o higit pa silang magkakasama, at masasabi/maituturing nila na ang mga tao sa kanilang grupo ay kabarkada nga nila. Isang gabay ang ginamit sa pagkuha ng datos. Pinagsama-sama ang mga nakalap na datos at hinanapan ng karaniwang tema sa pamamagitan ng content analysis. Natuklasan sa pagsusuri ng datos na ang barkada ay isang grupo ng mga indibidwal o mga magkakaibigan na madalas gumagawa ng mga aktibidades nang magkakasama. Mayroon silang malalim na ugnayan, kung saan ang mga miyembro ay nagtutulungan at nagbabahagi ng sarili sa isang sitwasyon ng seguridad at pagtanggap.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10115
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
46 numb. leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Macahilas, V., Pineda, J., & Poblador, J. (2000). Barkada ...ano iyon?. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11729