Mister si misis... misis si mister... isang pag-aaral sa karanasan ng mag-asawa

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maisalarawan ang karanasan ng mag-asawa na kung saan dati ang asawang lalaki ang tagapagtaguyod ng pamilya ngunit dahil sa mga pangyayari ay nagkapalit ng sitwasyon ang mag-asawa. Deskriptibo ang disenyong ginamit na kung saan ginamitan din ito ng Case study. Malalimang pakikipanayam. Focus group discussion (FGD) at obserbasyon ang ginamit upang makuha ang datos na kinakailangan. Non-Probability Purposive Sampling at Non-probability chain referral o snowball sampling ang ginamit upang makuha ang anim (6) na mag-asawang kalahok. Gumamit ng semi-structured questionnaire upang makuha ang datos. Inanalisa ang mga datos sa pamamagitan ng content analysis. Napag-alaman na ang tungkuling dapat ginagampanan ng isang ama at ina ay ang tradisyonal na tungkulin nakagisnan na ng pamilyang Pilipino ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ang ama na ang nananatili sa bahay at nag-aalaga ng mga anak habang ang ina ang siyang tagapagtaguyod ng pamilya. Karamihan sa mga mag-asawang kalahok ang nagkaroon ng pagbabago sa sekswal nilang relasyon. Ang suliraning kadalasang nararanasan ng mga kalahok na nasa ganitong sitwasyon ay pinansyal at upang malutas ito ay pinag-uusapan na lamang ng mag-asawa ang posibleng solusyon dito. Sinasabing may pagbabago din sa mga pag-uugali ng mga kalahok at kapansin-pansin din na may nakitang pagbabago sa kanilang mga asawa. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nais ng mga kalahok na makapag-ipon upang magkaroon ng sariling negosyo at nang sa gayon ay mapaghandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10975

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

73 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS