Libog

Date of Publication

2001

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang konsepto ng libog sa kultura ng Pilipino. Isinagawa ang pag-aaral para mabigyang linaw at makatulong sa pagiging unibersal na siyensya ang Sikolohiya. Sa pag-aaral na ito nais na mabigyang kasagutan kung ano ang konsepto ng libog, kung ano ang nagpapalibog sa indibidwal, at ano ang ginagawa ng mga indibidwal na nalilibugan. Upang masagot ang mga suliraning ito, kumuha ng 72 na kalahok na napapabilang sa braket na edad na middle adonescence (15-17), late adolescence (18-20) at early adulthood (21-23) na nasa low ang high socio-ekonomik status. Ginamit ang Purposive Sampling sa pagkuha ng mga kalahok sa nasabing pag-aaral. Ang disenyo ng pag-aaral ay eksplorati sapagkat nais ma-organize ang mga nakalap na datos upang makabuo ng literature tungkol sa libog na naaayon sa kultura ng Pilipino. Gumawa ng gabay sa pagsasagawa ng epektibong interbyu. Sa mga nakalap na datos nakabuo ang mga mananaliksik ng anim na kategorya at ang mga ito ay: konsepto ng libog, mga nararamdaman kapag nalilibugan, mga pagnanasa kapag nalilibugan, mga nagpapalibog sa tao, mga tugon tungo sa pagkalibog, mga sanhi na nakaka-apekto sa libog. Napag-alaman na sa bawat indibidwal nag-iiba ang kanilang tugon tungo sa libog ito ay dahil sa iba ang sekswal iskrip ng bawat indibidwal. Ang kalalakihan ay malayang naihahayag ang kanilang karanasan sa pagkalibog at ang kababaihan naman ay hindi malayang naihahayag ang kanilang karanasan ito ay dahil sa magkaibang orentasyon sa kanila.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10462

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

85 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS