Ang persepsyon ng mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan sa awtoridad ng batas trapiko

Date of Publication

2001

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang persepsyon ng mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan sa mga awtoridad at kung paano ito nakakaapekto ng kilos ng isang nagmamaneho sa kanyang pakikitungo sa awtoridad. Ang mga paraang ginamit sa pagkalap ng mga datos ay pagmamasid-masid, pagtatanung-tanong at pakikipagkuwentuhan. Nagkaroon ng siyam na pagmamasid-masid ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsama nila sa mga iba't-ibang biyahe tungo sa iba't-ibang lugar. Nagkaroon naman ng 100 na kalahok para sa pagtatanung-tanong at 15 kalahok naman sa pakikipagkuwentuhan. Sa pagiintindi ng mga datos, pinagpangkat-pangkat ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos at nakabuo ng mga kategorya sa bawat katanungan. Sa unang katanungan, Ano ang persepsyon ng mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan sa awtoridad? ay nakabuo ng tatlong pangkat: positibo at negatibong persepsyon at ang gitna. Sa pangalawang katanungan, Sa anong mga sitwasyon sumusuway o sumusunod ang mga nagmamaneho sa awtoridad? ay nahati ang mga kategorya sa mga panahong sumusunod sila at mga panahong hindi sila sumusunod. Sa pangatlong katangunan na, Ano ang dahilan ng pagsunod o pagsuway ng mga nagmamaneho sa awtoridad? ay nahati ang mga kategorya sa mga dahilan kung bakit sumusuway at mga dahilan kung bakit sumusunod. Maraming mahahalagang isyu o paksa tungkol sa lipunan at pagkataong Pilipino tulad ng isyu sa kahirapan, kawalan ng katarungan at marami pang iba. Sa katapusan ng pag-aaral, nakita na ang persepsyon ng isang nagmamaneho sa awtoridad ay nabubuo ng kaniyang mga karanasan at paraan ng pamumuhay. Itong mga persepsyong ito ang nagiging basehan nila kung paano sila makikitungo sa awtoridad.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10651

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

144 numb. leaves ; Computer print-out (photocopy).

This document is currently not available here.

Share

COinS