Pamamaraan ng mga Pilipinong magulang sa pagbabahagi ng kamalayan sa seks sa kanilang mga anak
Date of Publication
2002
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay nagnanais na bigyang-linaw ang penomenon ng double-bind communication sa pagitan ng mga magulang at anak. Tinalakay ng mga mananaliksik ang mga (a) sanhi ng double-bind communication, (b) reaksyon ng mga magulang at anak sa tuwing ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon, (c) mga nararamdaman ng mga magulang at anak kapag nangyayari ang penomenong ito, at (d) ang mga epekto ng double-bind communication sa kanilang mga sarili, sa relasyong namamagitan sa magulang at anak, at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Tatlong metodo ang ginamit ng mga mananaliksik: (a) ginabayang talakayan (b) pakikipanayam at (c) sarbey. Ang mga kalahok sa ginabayang talakayan ay kinabilangan ng isang pangkat ng magulang (8 ina) at isang pangkat ng mga anak (3 babae at 3 lalaki). Para sa pakikipanayam, dalawampu't apat na kalahok ang nakapanayam ng mga mananaliksik, kung saan nagkaroon ng tig-labindalawang adolesent at magulang. Hinati ng mga mananaliksik ang mga adolesent at mga magulang ayon sa uri ng paaralan na pinapasukan ng mga anak, kung pampubliko o pribado. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga gabay para sa ginabayang talakayan at pakikipanayam upang magkaroon ng maayos na talakayan. Nagkaroon naman ng dalawang-daang kalahok (100 magulang at 100 adolesent) sa sarbey. Hinati rin ang mga ito ayon sa uri ng paaralan, pampubliko 0 pribado. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang sanhi ng pagkakaroon ng double-bind communication ay ang paggamit ng hindi magkatugmang berbal, hindi magkatugmang berbal at di-berbal, at hindi magkatugmang di-berbal na pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang ganitong uri ng komunikasyon ang nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sapagkat magkaiba ang pagkakaintindi ng magkabilang panig sa nais nilang iparating sa isa't-isa. Walang naging epekto ang sosyo-ekonomik na estado ng mga kalahok sa mga datos na nakalap sa mga isinagawang metodo.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10999
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
81 leaves ; Computer print-out.
Recommended Citation
Palad, V. U., Palmiery, M. T., & Torres, R. L. (2002). Pamamaraan ng mga Pilipinong magulang sa pagbabahagi ng kamalayan sa seks sa kanilang mga anak. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11717