Ang persepsyon ng mga babaeng biktima ng incest sa kanilang salarin at ang kasalukuyang pakikisalamuha nila sa kalalakihan

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang persepsyon ng mga babaeng biktima ng incest sa kanilang salarin bago at matapos ang akto ng incest, ang ang kasalukuyang pakikisalamuha ng mga ito sa kalalakihan. Nakuha ang limang (5) kalahok sa pamamagitan ng referral at ang paraan ay non-probability purposive sampling. Ang mga kalahok ay pawang mga kababaihan na may edad 10-20 taong gulang at ang kanilang karanasan ng incest ay nangyari sa pagitan ng childhood at adolescent na yugto ng kanilang buhay. Ang mga kalahok ay dumaan sa malalimang pakikipanayam bilang metodo ng pagkalap ng datos na ginamitan ng semi-structured na gabay para sa instrumento. Bunga ng masusing pagsusuri ng mga datos na nakuha, napag-alaman na mayroong naging pagkakaiba sa persepsyon ng mga biktima sa kanilang salarin bago at matapos mangyari ang incest sa kanilang buhay. Ang pagkakaibang ito ay makikita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong persepsyon ang biktima sa kanyang salarin bago mangyari ang incest na naging negatibong persepsyon matapos mangyari ang incest. Maging ang kanilang pakikisalamuha sa kamag-anak na lalake at ibang kalalakihan ay nagkaroon ng pagkakaiba habang ang kanilang pakikisalamuha sa mga kaibigang lalake ay nanatiling halos magkatulad, bago at matapos mangyari ang incest.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10985

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

103 numb. leaves ; Computer print-out.

This document is currently not available here.

Share

COinS