Nasaan ang pera ni Juan?: Paggamit ng pera batay sa mga salik na nagreresulta sa pagkakuntento
Date of Publication
2015
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Thesis Adviser
Roberto E. Javier
Abstract/Summary
Pinag-aralan ang tatlong salik, pang-abstrak na depinisyon ng pera (kognitibo), neyurotisismo at pagsusubi kung ito man ay nakakaapekto sa kabuuang pagkakuntento ng tao sa buhay. Dahil napakita ng literatura na ang tatlong aspeto na ito, abstrak na depinisyon ng pera, neurotisismo at pagsusubi ay nakakaapekto sa pagdedesisyon ng isang tao, at dahil nakita na ang pagdedesisyon ay nakakaapekto sa pagkakuntento sa buhay, ang tatlong salik na ito ay maaaring may mahalagang koneksyon sa pagkakuntento sa buhay. Para sa mga mananaliksik ito ay makakatulong sa pangaraw araw na buhay ng mga Pilipinong estudyante upang sila ay magabayan sa kanilang pagdedesisyon para sa isang mas mataas na pagkakuntento sa buhay. Gumawa ng sariling instrumento ang mga mananaliksik para sa pangabstrak na depinisyon ng pera at pagsusubi, ginamit naman ang IPIP NEO Neuroticism Sale at Life Satisfaction scale upang sukatin ang mga salik ng pag-aaral. Gumamit ng Multiple regression ang pag-aaral na ito upang mas siyasatin pa ang epekto ng mga salik. Naging positibo ang epekto ng pagsusubi at neyurotisismo sa pagkakuntento sa buhay ngunit naging isang negatibong epekto ang pangabstrak na depinisyon ng pera sa pagkakuntento maaring ito ay dahil sa nagdedepende ang depinisyon ng pera sa kung nasaang konteksto ang tao.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU20116
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
86 leaves ; 28 cm.
Keywords
Money--Moral and ethical aspects; Neuroticism
Recommended Citation
Cunanan, S. D., Dominguez, G. G., Habaluyas, R. R., & Yao, R. H. (2015). Nasaan ang pera ni Juan?: Paggamit ng pera batay sa mga salik na nagreresulta sa pagkakuntento. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11273