Isang pag-aaral tungkol sa moral na pangangatwiran ng mga prostityut

Date of Publication

1999

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Marami nang mga pag-aaral ang naisagawa tungkol sa mga prostityut. Kadalasan, nakatuon sa mga aspetong sosyal at ekonomikal ang mga naturang pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maging tugon sa kakulangan sa pagtalakay sa isa pang mahalagang aspeto ng pag-iisip ng mga prostityut. Tinutukoy nito ang kanilang moral na pangangatwiran. Nakipagkuwentuhan ang mga mananaliksik sa siyam na prostityut. Tinutukoy nito ang kanilang moral na pangangatwiran. Nakipagkuwentuhan ang mga mananaliksik sa siyam na prostityut (limang babae mula sa Avenida dalawang lalaki sa Taft Avenue at dalawa pa mula sa Greenbelt Park sa Makati). Mula sa mga kuwento ng mga kalahok, nakabuo ng mga tema na siyang naging sanggunian ng pagsusuri ng kanilang moral na pangangatwiran at ang batayan nito. Ginamit ang pagsusuring nilalaman upang makahantong sa naturang mga tema. Natuklasan na mayroong tatlong pangunahing tema ang siyang gumagabay sa mga kalahok. Ang mga naturang tema ang siyang tumatayong gabay upang maunawaan ang pangangatwirang moral ng mga prostityut.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU09247

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

141 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Prostitutes--Moral and ethical aspects

This document is currently not available here.

Share

COinS