Mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling tahanan sa pagganap ng kanilang tungkulin sa kanilang pamilya.
Date of Publication
2001
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Applied Behavior Analysis | Human Factors Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ginawa ay tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling bahay sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang ama sa kanyang pamilya. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon siya ng problema sa pagganap ng mga tungkulin dahil siya at ang kanyang pamilya ay nakikitira lamang sa kanyang mga magulang. Ang mga kalahok ng nasabing pag-aaral ay nakapagbahagi ng kani-kanilang mga saloobin at pananaw ukol sa sitwasyon kanilang kinakaharap sa buhay. Maliban sa mga ito, ang pinakamahalagang naibahagi nila ay ang kanilang mga pang-araw-araw na karanasan lalu na ang mga ninais na pag-aralan ng mga mananaliksik na ang kanilang mga suliranin kinakaharap sa kanilang estado sa buhay. Maraming nakitang magkakatulad na pangyayari na pinagdaanan sa buhay ng mga naging kalahok, ngunit mayroon ding mga pagkakaiba. Bagama't ang mga kalahok ay nasa magkakasintulad na sitwasyon, sila ay may kani-kaniyang personalidad, pinagmulan at kinalakhan na humubog sa kanilang pagkatao. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng pagkakataong makita ang iba't ibang dimensyon ng isang sitwasyong tulad ng pag-aaral ukol sa mga amang walang sariling tahanan sa pagganap ng kanyang tungkulin sa kanyang pamilya.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU10476
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
87 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Home economics
Recommended Citation
Flameno, K. P., Valdez, N. L., & Villarruz, V. R. (2001). Mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling tahanan sa pagganap ng kanilang tungkulin sa kanilang pamilya.. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/10207