Ang karanasan, kaisipan at damdamin bago, habang at pagkatapos ng proseso ng tangkang pagpapatiwakal
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang eksploratoryo at deskriptibong pananaliksik na ito ay ukol sa karanasan, kaisipan at damdamin, bago, habang at pagkatapos ng proseso ng tangkang pagpapatiwakal. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga karanasan, kaisipan at damdamin bago magpatiwakal, ang klase ng buhay at ang mga pangyayaring nag-udyok sa indibidwal upang magtangka. Kasama din sa layunin ang alamin ang karanasan, kaisipan at damdamin sa proseso ng tangkang pagpapatiwakal. Nilayon ding alamin ang mga pagbabago sa buhay ng indibidwal na nagtangkang magpatiwakal kung mayroon man. Ang mga kalahok ay binuo ng siyam (9) na indibidwal mula labing-lima (15) hanggang dalawampu't-apat (24) na taong gulang. Sila ay residente ng lungsod ng Maynila. Ang ginamit ay ang pamamaraang chain referral o snowball sampling upang makuha ang mga ito. Ang metodo ng pananaliksik ay ang pakikipagkwentuhan na may malalim na pakikipanayam. Gumamit din ng isang gabay sa pakikipanayam. Mula sa nalikom na datos ay nabuo ang mga karanasang nakapag-uudyok sa indibidwal upang magtangkang magpatiwakal ang proseso ng pagpapatiwakal at ang mga pagbabago sa buhay ng isang indibidwal matapos nito magtangka.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07716
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
118 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Youth--Suicidal behavior; Suicide; Self-destructive behavior
Recommended Citation
Ledda, J. D., Lee, M. F., & Palanca, M. M. (1996). Ang karanasan, kaisipan at damdamin bago, habang at pagkatapos ng proseso ng tangkang pagpapatiwakal. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/10112