Ang kinahihinatnan ng biruan sa relasyon ng magkaibigan at magkasintahan sa Metro Manila
Date of Publication
2011
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Thesis Adviser
Roberto E. Javier, Jr.
Defense Panel Member
Adrianne J. Galang
Abstract/Summary
Ang pakikipagugnayan ng tao sa kapwa ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng buhay niya, lalo na sa ugnayang magkaibigan at magkasintahan. Samantala, ang biruan ay isang mahalagang konsepto na malapit sa kalooban ng mga Pilipino, mahalaga ito sa panarawaraw na pamumuhay, at ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay malaman ang ugnayan ng dalawang konsepto. May mga nagawang pagaaral na sa biruan ngunit hindi ganoon karami ang nagtangkang pagaralan ito, nais ng mga mananaliksik na malaman at mailarawan ng maayos ang biruan ayon sa mga magkakaibigan at magkakasintahan at ang lumalabas na kinahihinatnan nito sa kanilang relasyon. Nagsagawa ng limang ginabayang talakayan upang makakuha ng sapat na datos para masagot ang mga suliranin, gumamit ng pagususri ng nilalaman para masuri ang datos. Nakapagbigay liwanag sa biruan ayon sa magkaibigan at magkasintahan ay bilang pagbubuo at pagpapanatili ng relasyon. Nalaman ang kaibahan ayon sa kasarian, sa paksa na kanilang ginagamit, at kaibhan ng biruan ng magkasintahan at sa magkaibigan. Naipakita rin na tama ang hipotesis na may dalawang kinahihinatnan ang biruan. Akma ito kung ang biruan ay nagtatagumpay at hindi akma kung nabigo ito dahil may napikon na isa sa ugnayan. Sa pagbubuod, lumalabas na ang biruan ay isang paraan sa pamamahala ng relasyon para sa magkaibigan at magkasintahan. Paguusapan rin ng papel na ito ang mga implikasyon ng biruan sa pakikipagugnayan ng mga Pilipino sa kanilang kaibigan o kasintahan, makakatulong ito upang mas lalong maintindi ang konsepto ng biruan at gaano ito kahalaga sa kulturang Pilipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU15751
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
96, 29 leaves ; 28 cm.
Keywords
Wit and humor; Friendship; Man-woman relationships
Recommended Citation
So, B., Angel, A., & Santos, J. (2011). Ang kinahihinatnan ng biruan sa relasyon ng magkaibigan at magkasintahan sa Metro Manila. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/10054